Sasandal sa karanasan at dekalibreng play ni Ralph “Rapidoot” Adrales ang ONIC Arsenals sa darating na Mobile Legends: Bang Bang Developmental League Philippines (MDL PH Season 1), karugtong ng anunyo ng organisasyon noong February 4.

Pangunguhanan ng ex-captain ng ONIC Philippines na ngayon ay kikilalanin nang “Dudut” ang koponang binubuo ng mga miyembro ng amature team na Lazy Esports Pro.

Sa kaniyang kampanya sa developmental team, masasandalan ng roamer ang husay ng kaniyang ONIC PH coach na si Jeffrey “Coach Jeff” Manforte.

Credit: ONIC Arsenals

Makakatuwang ni Coach Jeff bilang gabay ng team sina Thaddeus “TDZ” Padua na kinuha ang bagong IGN na “Mahadeva” bilang Life Coach at Coach Trazht bilang Technical Coach.

Lineup ng ONIC Arsenals sa MDL PH Season 1

Credit: ONIC Arsenals
  • Ralpha “Dudut” Adrales (Roam)
  • Bert (Gold Lane)
  • Marc Wayne “Waing” Ortiz (Jungle)
  • Jem (EXP Lane)
  • Chovvy (Mid Lane)
  • Deb (Roam)
  • SN4P (Mid Lane)

Bubuksan ni Dudut at ng kaniyang koponan ang kanilang kampanya sa February 15 kontra Nexplay EVOS Tiger Cubs.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa pinakahuling balita sa Mobile Legends.

BASAHIN: Kielvj bibida para sa Omega Neos sa MDL PH S1, makakatuwang sina S4gitnu at MP the King