Nagbabakbakan muli ang pinakamalulupit na teams sa Week 4 ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season 9. Pasabog ang mga tapatang naganap, tampok ang ilang sorpresa na nagpa-init lalo ng gumugulong na Season.

Balikan ang mga naganap sa Week 4 ng MPL ID S9.
Nagbaga ang mga matches sa Week 4 ng MPL ID S9
March 11 (Biyernes)
| Team | Score | Team |
| Aura Fire | 2-0 | Geek Fam ID |
| ONIC Esports | 2-0 | Bigetron Alpha |
Binuksan ng Aura Fire at ONIC Esports ang Week 4 ng MPL ID S9 ng tig-isang 2-0 panalo kung saan nabiktima ang Geek Fam ID at Bigtron Alpha. Sa naganap na ito, mas naging malagkit ang gitgitan sa taas ng rankings ng regular season.

Pinakabida sa nasabing matchups ang isinalang na Esmeralda jungle ng Aura Fire kung saan swabeng execution ang ipinakita ni High sa mage hero. Kaalinsabay nito ang halos perpektong laro ni God1va sa kaniyang Khufra.
March 12 (Sabado)
| TEAM | SCORE | TEAM |
| Aura Fire | 0-2 | RRQ Hoshi |
| Geek Fam ID | 1-2 | Bigetron Alpha |
| EVOS Legends | 2-1 | Alter Ego |
Binuksan ng dikdikan sa pagitan ng Aura Fir at RRQ Hoshi ang ikalawang araw ng Week 4 ng MPL ID S9. Nagkaroon ng tiyansa ang Aura na umarangkada pataas ng standings ngunit hindi pinayagan ito ng “Kings of Kings” matapos igapos ang kalaban sa 2-0 sweep.

Sa kabilang banda, nagmaniobra naman ang Bigetron Alpha kontra Geek Fam ID. 2-1, para ipagpatuloy ang kanilang tangka na makaselyo ng slot sa Playoffs.
Kung gaano kainit ang opener ay ganoon din nagbaga ang huling match ng Day 2 ng masalpukan ang EVOS Legends at Alter Ego. Nagningning ang White Tigers sa dulo sa score na 2-1.
March 13 (Sunday)
| TEAM | SCORE | TEAM |
| Rebellion Zion | 2-0 | EVOS Legends |
| Alter Ego | 2-0 | ONIC Esports |
Napuno ng sorpresa ang huling araw ng Week 4 ng MPL ID S9 ng salagin ng Rebellion Zion ang atake ng EVOS Legends. Ipinakita ng koponan ang kanilang bagong-anyo kontra sa White Tigers na pinatumba nila sa 2-0 score. Bumida sa nasabing serye si Fearless gamit ang kaniyang Aulus na ibinaling ang momentum para sa kaniyang koponan.

Kasunod ng sopresang hatid ng Rebellion ang isa pang upset, ngayon naman ay mula sa Alter Ego. Bagamat inconsistent ang ginagawa ng lineup ngayon ay pumukol ang team ng 2-0 kontra sa bigating ONIC Esports.
Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa pinakahuling balita tungkol sa MPL.
BASAHIN: Nakuha raw ng ONIC Esports sa Pilipinas ang 2 roam meta na sikat ngayon sa MPL ID S9