Ibinahagi ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines ang bagong rules sa pagpili ng Regular Season MVP ng MPL PH Season 9 kung saan malaking bahagi ang gagampanan ng casters ng liga sa nasabing proseso.

Ayon sa bagong rules, bibigyan ng pribilehiyo ang bawat caster na magnomina ng tatlong (3) kandidato para sa pinakamalaking indibidwal na gantimpala sa liga. Gayunpaman, kinakailangan na pasok sa ilang criteria ang mapipiling players ng bawat caster.


Criteria sa pagpili ng Regular Season MVP ng MPL PH

Credit: MPL Philippines

Ang players na mapipili ng bawat caster ay kinakailangang makapasa sa mga sumusunod na critera:

  • Kinakailangan na parte ang player ng team na rank 1 o rank 2 sa regular season standings.
  • Kinakailangan na nanalo ang player ng weekly MVP honors, o kaya ay may kabilib-bilib na player data sa regular season.
  • Kinakailangan na hindi nakalabag ang player sa serious violations na nakapaloob sa rule book.

I-rarank ng casters ang tatlong nominees mula 1 hanggang 3, kung saan 1 ang pinakamataas na rank. Ang top ranked player ay makatatanggap ng 5 points, habang ang rank 2 at rank 3 naman ay mabibigyan ng magkasunod na 3 at 1 points.

Ang pro player na makakalikom ng pinakamataas na cumulative points ang siyang hihirangin bilang Regular Season MVP ng MPL PH S9 na iaanunsyo naman sa official Facebook page ng MPL Philippines sa ika-12 ng Abril.


Listahan ng Weekly MVPs ng MPL PH Season 9

Bagamat hindi pa pinal ang regular season standings, isa sa inilistang kwalipikasyon para manomina bilang regular season MVP ng MPL PH Season 9 ang pagkakaroon ng weekly MVP honors. Heto ang mga players na nanalo ng nasabing gantimpala.

WeekPlayerTeam
1Daniel “SDzyz” ChuTNC Pro Team ML
2Eman “Emann” SangcoRSG Philippines
3Jankurt Russel “KurtTzy” MatiraECHO
4Jaylord “Hatred” GonzalesONIC Philippines
5Vincent “Joy Boy” De GuzmanBren Esports
6Jomarie “Escalera” Delos SantosTNC Pro Team ML
7Dylan “Light” CatiponRSG Philippines

Nakatakdang magtapos ang regular season ng MPL PH Season 9 ngayong ika-10 ng Abril.

Sundan ang pinakahuling balita tungkol sa MPL PH sa pamamagitan ng pagsubaybay sa ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: MPL PH Season 9 Week 7 recap: RSG nasilat ang No. 1 spot, bakbakan para sa playoffs lalong bumigat