Magsisimula na sa wakas ang Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines (MPL PH) Season 9.

Sa dami ng mga kuwentong inaabangang maitala, gaya na lang ng pagdepensa ng Blacklist International sa kanilang titulo sa kabila ng pagpapahinga ng ‘V33Wise’ duo, ‘pag bawi ng Bren Esports matapos ang mababang resulta noong nakaraang season, at patuloy na pakikipagbakbakan ng ONIC Philippines para sa kanilang unang kampeonato, ‘di maipagkakaila na magiging ma-aksyon ang paparating na season.

Bago tuluyang umarangkada ang pinaka-aabangang turneo, inilathala ni Theo “Uomi” Ignacio ang power rankings ng mga casters at analysts ng MPL PH Season 9 papasok sa turneo.


Filipino casters ng MPL PH Season 9

MPL PH Season 9 power rankings ni Manjean

MPL PH Season 9 power rankings ng casters at analysts
RANKKOPONAN
1Blacklist International
2ONIC Philippines
3Nexplay EVOS
4RSG PH
5Bren Esports
6Smart Omega
7ECHO
8TNC Pro Team

Tila alinsunod sa ipinakitang performance noong ng Blacklist International, ONIC Philippines, at Nexplay EVOS, at RSG PH noong mga nagdaaang paligsahan ang dahilan ng pagkakasunod-sunod ni Manjean Faldas sa kanyang power rankings. Matatandaang namayagpag ang mga nabanggit na koponan noong nakaraang season ng MPL PH, noong M3 World Championship, at maging noong SIBOL national team selection.

MPL PH Season 9 power rankings ni Santie

MPL PH Season 9 power rankings ng casters at analysts
RANKKOPONAN
1Blacklist International
2ONIC Philippines
3Nexplay EVOS
4RSG PH
5Smart Omega
6Bren Esports
7ECHO
8TNC Pro Team

Ito man ang magiging unang season kung saan magiging kabilang si Arjay Santie “Santie” Magcalas sa bilang opisyal na talent ng MPL PH, hindi pa rin maipagkakaila ang kanyang pagkabihasa sa eksena. Madaling ring maintindihan ang pagkakalatag niya sa kanyang top four, ngunit bahagyang mas mataas para sa kanya ang bagitong roster ng Bren Esports, kumpara sa iba.

MPL PH Season 9 power rankings ni OSX

MPL PH Season 9 power rankings ng casters at analysts
RANKKOPONAN
1Blacklist International
2Nexplay EVOS
3ONIC Philippines
4RSG PH
5Smart Omega
6Bren Esports
7ECHO
8TNC Pro Team

Ang paparating na season ang ikalawang-sunod na season ni Francis “OSX” Cantero bilang opisyal na Filipino caster. Gaya ng kanyang mga kasama, naniniwala si OSX na mananatili ang pamamayagpag ng Blacklist International ngayong season.

MPL PH Season 9 power rankings ni Chantelle

MPL PH Season 9 power rankings ng casters at analysts
RANKKOPONAN
1Blacklist International
2ONIC Philippines
3RSG PH
4Nexplay EVOS
5Smart Omega
6ECHO
7Bren Esports
8TNC Pro Team

Mas mataas niranggo ni ate mo Chantelle “Chantelle” Hernandez ang RSG PH kesa sa Nexplay EVOS sa kabila ng naging resulta noong nagdaang SIBOL. Bukod dito, kumbinsido pa rin siya na magpapatuloy ang pangingibabaw ng Blacklist International at ONIC Philippines.

MPL PH Season 9 power rankings ni Butters

MPL PH Season 9 power rankings ng casters at analysts
RANKKOPONAN
1Blacklist International
2Nexplay EVOS
3ONIC Philippines
4RSG PH
5Smart Omega
6ECHO
7Bren Esports
8TNC Pro Team

Halos magkahalintulad ang power rankings ni Adrian “Butters” Jison at OSX, maliban lang sa kanilang pagtingin patungkol sa Bren Esports at ECHO. Mas mataas kasi niranggo ni Butters ang BREN kaysa ECHO—kabaligtaran nang kay OSX.


English casters ng MPL PH Season 9

MPL PH Season 9 power rankings ni Leo

MPL PH Season 9 power rankings ng casters at analysts
RANKKOPONAN
1Blacklist International
2ONIC Philippines
3Nexplay EVOS
4RSG PH
5ECHO
6Smart Omega
7Bren Esports
8TNC Pro Team

Taliwas sa power ranking ng ibang talents, sa mas mataas na puwesto nilagay ni Dan “Leo” Cubangay ang ECHO. Maraming nagdududa sa all-star roster ng koponan lalo na matapos ang mababang resulta nito noong SIBOL. Gayunpaman, naniniwala si Leo na na-solve na ng ECHO ang problema nila sa chemistry.

“Based sa scrims and PR ng ECHO from themselves, na-figure out na nila ‘yung possible chemistry issue. That being said, I understand na optimistic ako but that’s what I’m going with,” paliwanag niya.

MPL PH Season 9 power rankings ni Rockhart

MPL PH Season 9 power rankings ng casters at analysts
RANKKOPONAN
1Blacklist International
2ONIC Philippines
3Nexplay EVOS
4RSG PH
5Smart Omega
6Bren Esports
7ECHO
8TNC Pro Team

‘Di rin nalalayo sa karamihan ang power ranking ng back-to-back best English caster ng MPL PH na si Karl “Rockhart” To. Solid ang sa top four ang Blacklist International, ONIC Philippines, Nexplay EVOS, at RSG PH.

MPL PH Season 9 power rankings ni Naisou

MPL PH Season 9 power rankings ng casters at analysts
RANKKOPONAN
1Blacklist International
2ONIC Philippines
3RSG PH
4Nexplay EVOS
5Smart Omega
6Bren Esports
7ECHO
8TNC Pro Team

Halos kahalintulad ng power ranking ni Joseph “Naisou” Rezabek ang kay Rockhart. Mas mataas lang niyang nilagay ang RSG PH kesa Nexplay EVOS. Ito ang ikalawang season ni Naisou bilang opisyal na English caster ng turneo.

MPL PH Season 9 power rankings ni Uomi

MPL PH Season 9 power rankings ng casters at analysts
RANKKOPONAN
1Blacklist International
2ONIC Philippines
3Nexplay EVOS
4RSG PH
5Smart Omega
6Bren Esports
7ECHO
8TNC Pro Team

Ang sariling power ranking ni Uomi ang unang nailathala sa kanyang fan page. Bagamat ibinase niya ito sa mga nagdaang resulta, ang pagtatanong niya kung posible ba itong magbago pagkatapos ng unang linggo ng bakbakan ay hudyat sa inaasahang aksyon na ihahatid ng paparating na season.


Analysts ng MPL PH Season 9

MPL PH Season 9 power rankings ni Wolf

MPL PH Season 9 power rankings ng casters at analysts
RANKKOPONAN
1Blacklist International
2Nexplay EVOS
3RSG PH
4ECHO
5ONIC Philippines
6Smart Omega
7Bren Esports
8TNC Pro Team

Sa kabila ng pamamayagpag ng ONIC Philippines noong nakaraang season at maging noong M3 World Championship, iniligay ni Caisam “Wolf” Nopueto ang koponan sa ikalimang puwesto. Aniya, kahit daw kasi apat na manlalaro mula sa kanilang kampanya sa M3 ang sumabak noong nagdaang SIBOL, hindi pa rin sila naka-abot sa top three.

“Plus, lagi ako based sa recent results pag ‘power ranking’ ang tinatanong, so at least may statistical data,” dagdag ng analyst.

MPL PH Season 9 power rankings ni Midnight

MPL PH Season 9 power rankings ng casters at analysts
RANKKOPONAN
1ONIC Philippines
2Nexplay EVOS
3Blacklist International
4RSG PH
5ECHO
6Smart Omega
7Bren Esports
8TNC Pro Team

Tanging si Neil “Midnight” De Guzman lang ang talent na hindi nilagay ang Blacklist International sa pinakatuktok ng rankings. Bukod daw kasi sa pagkawala ng V33Wise sa roster ng koponan ngayong season, “kailangan munang patunayan ni Kevier ang sarili niya. At karapatan niya ‘yun.”

MPL PH Season 9 power rankings ni TDZ

MPL PH Season 9 power rankings ng casters at analysts
RANKKOPONAN
1Blacklist International
2ONIC Philippines
3RSG PH
4ECHO
5Nexplay EVOS
6Bren Esports
7Smart Omega
8TNC Pro Team

Kapansin-pansin ang paglagay ni Thaddeus “TDZ” Padua sa Nexplay EVOS sa ikalimang puwesto sa kabila ng pagpapakitang-gilas nila noong nagdaang SIBOL. Aniya ang naging basihan niya raw dito ay “‘yung potential ng ibang teams ‘pag nahanp nila ‘yung tamang timpla.”

MPL PH Season 9 power rankings ni Reptar

MPL PH Season 9 power rankings ng casters at analysts
RANKKOPONAN
1Blacklist International
2Nexplay EVOS
3ONIC Philippines
4RSG PH
5Smart Omega
6Bren Esports
7ECHO
8TNC Pro Team

Bukod kay Wolf, naniniwala rin si Renmar “Reptar” Santa Cruz na mas karapat-dapat ilagay ang Nexplay EVOS sa ikalawang puwesto kumpara sa natitirang koponan na kalahok sa MPL PH Season 9. Sa kabila nito, naniniwala naman si Reptar na mas malakas pa rin ang ONIC Philippines kumpara sa RSG PH.


I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita patungkol sa MPL PH Season 9 sa iba pang rehiyon.