Ipinagpatuloy ng Nexplay EVOS ang kanilang momentum sa SIBOL 2022 MLBB NT Selection matapos patumbahin ang RSG Philippines sa dominanteng 3-1 score sa lower bracket finals.

Game 3 comeback susi sa SIBOL 2022 MLBB NT Selection LB Finals panalo ng Nexplay

Bagamat naging mainit ang bakbakan sa Game 4, sumandal ang NXPE sa kanilang comeback victory mula Game 3 na nagpataas ng kanilang kumpiyansa para tuluyang iselyo ang serye.

Screenshot ni Calvin Trilles/ONE Esports PH

Susi ang isang four for one kill trade sa ika-20 minuto ng Game 3 kung saan pinagtulungan ng Gloo ni Rainiel “URESHIII” Logronio at Grock ni Kenneth “Cadenza” Castro na ihiwalay at pigilan ang backline damage dealers ng RSG.

Sa puntong iyon pinakawalan ni Marius “Donut” Tan ang kating dala ng kaniyang Clint na lumapnos sa kalaban, bago pangunahan ang death push na nagbigay sa Nexplay ng 2-1 lead sa lower bracket bakbakan.

Pagdako ng decider, pinatunayan naman ni John Paul “H2wo” Salonga ang kaniyang gilas hawak ang Paquito.

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports PH

Magilas ang maniobra ni H2wo sa fighter jungler na maaga palang ay binugbog na ang Uranus ni Jiane “Kenji” Villa. Kahit na maagang nag-snowball ay disiplinado ang atake ng NXPE jungler na makailang-ulit na inabangan ang Pharsa ni Arvie “Aqua” Antonio para pilayin ang abante ng RSG PH.

Nagtala si H2wo ng malinis na 11/1/1 statline para tulungan ang kaniyang Nexplay EVOS umabante sa Grand Finals ng SIBOL 2022 MLBB NT Selection.

Makakaharap ng mainit na NXPE ang paboritong Blacklist International na una ng nagpadapa sa kanila mula sa upper bracket.


Sundan ang pinakahuling balita tungkol sa SIBOL 2022 MLBB NT Selection sa pamamagitan ng pagsubaybay sa ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: SIBOL 2022 MLBB National Team Selection Day 3: BLCK aabante, NXPE at RSG PH magtatapat sa LB Finals