Gumulong na ang ikatlong araw ng SIBOL 2022 MLBB National Team Selection na kinatampukan ng maiiinit na bakbakan sa parehong upper at lower bracket.


Mga resulta ng SIBOL 2022 MLBB National Team Selection Day 3

Flick, ONIC PH winalis ang BREN, 2-0

Credit: ONIC Philippines

Masalimuot man ang naging performance kontra RSG Philippines kahapon, ibinalik ng ONIC Philippines ang kanilang tindig matapos walisin ang BREN Esports sa unang serye ng SIBOL 2022 MLBB National Team Selection Day 3.

Ginulat ng koponan ni Coach Denver “Yeb” Miranda ang mga miron ng isalang niya si Jaylord “Hatred” Gonzales sa tank/support position, taliwas sa jungler role na nilaro ng pro sa unang dalawang serye ng ONIC.

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports PH

Nagbunga ang sugal ng M3 World Championship runner-ups dahil bukod sa pamatay na Chou na isinalang ni Hatred sa dalawang laro ay kakaiba din ang ipinamalas ng rookie na si Ralph Benedict “Flick” Hamoy na tumao sa jungle.

Screenshot ni Calvin Trilles/ONE Esports PH

Swabeng Paquito ni Flick ang pumuksa sa atake ng BREN papunta sa malinis na 7/0/8 KDA at game 1 panalo para sa ONIC PH. Habang sa Game 2, hinawakan ng bagito ang kaniyang respetadong Fanny na nagtala ng 3/1/5 KDA para tuluyang iligpit ang koponan ni  Angelo “Pheww” Arcangel.


Super Wanwan ni Donut binuhat ang NXPE kontra OMG, 2-1

Credit: Nexplay Esports

Hindi na kinailangan ng Wanwan ni Marius “Donut” Tan ang late game para tulungan ang kaniyang Nexplay EVOS iligpit ang Smart Omega sa game 3 deathmatch ng lower bracket matchup sa SIBOL 2022 MLBB National Team Selection Day 3.

Pasabog ang marksman ng NXPE rookie na nagtala ng swabeng 4/1/0 KDA sa loob lamang ng 7 minuto sa rubber match para tuluyang ibaon ang Omega. Nagtala ang Nexplay gold laner ng 8/1/3 para gabayan ang kaniyang koponan sa krusyal na lower bracket panalo.

Screenshot ni Calvin Trilles/ONE Esports PH

Pukpukan ang naganap sa pagitan ng dalawang MPL teams sa unang dalawang laro ng serye. Nakakuha ng maagang kalamangan ang Omega sa likod ng mamaw na Esmeralda ni Renz “Renzio” Cadua na muli’t-muling hinarapan ang mga miyembro ng Nexplay para makakuha ng objectives ang kaniyang damage dealers.

Ito ang nagbigay daan para maging epektibo ang Ling ni Dean “Raizen” Sumagui na nagtala ng 7/1/4 KDA sa Game 1 panalo.

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports PH

Agad namang bumwelta ang NXPE sa game 2 sa tulong ng madulas na Cecilion ni Jeniel “YellyHaze” Bata-anon na naglabas ng sandamukal na magic damage sa larong umagbot ng 24 minuto. Malinis na 3/0/9 KDA ang inilista ng beteranong midlaner para itabla ang serye at bigyang-daan ang kanilang dominanteng Game 3.


Owl, Blacklist nilampaso ang RSG PH, 3-0

Screenshot ni Calvin Trilles ng ONE Esports PH

Hindi nagawang pigilan ng RSG Philippines ang arangkada ng paboritong Blacklist International, 3-0 sa upper bracket finals ng SIBOL 2022 MLBB National Team Selection.

Bagamat tumindig sa Game 2 at Game 3 ng nasabing serye, kinulang ang koponan ni  Jonard “Demonkite” Caranto na pigilan ang M3 World Champions na pinangunahan ng rookie na si Howard “Owl” Gonzales sa gold lane.

Screenshot ni Calvin Trilles ng ONE Esports PH

Sinandalan ng Blacklist ang Claude ni Owl sa Game 2 na nagliyab sa late game, habang Brody naman niya sa Game 3 ang tuluyang pumuksa sa pag-asa ng RSG PH sa upper bracket.

Nagtala ang marksman ng magkasunod na 3/0/7 KDA at magnipikong 9/0/0 sa close out match.

Sa Game 1 pa lamang ay ipinadama na agad ng Blacklist ang kanilang kalibre sa likod ng Mathilda ni Johnmar “OhMyV33NUS” Villaluna na maagang sinagasaan ang RSG gamit ang kaniyang Guiding Wind+Circling Eagle+Soul Bloom initiations.

Dinala ng world champions ang momentum na ito hanggang game 3 para iselyo ang unang tiket sa Grand Finals ng SIBOL 2022 MLBB qualifiers.


NXPE nilustan ang ONIC PH, 3-2

Pukpukan hanggang dulo ang naging tema ng lower bracket showdown sa pagitan ng ONIC Philippines at Nexplay EVOS kung saan lumitaw ang gigil ng Nexplay na ninakaw ang serye, 3-2.

Screenshot ni Calvin Trilles ng ONE Esports PH

Isang full team wipe sa ika 19 minuto ng Game 5 ang nagpagulong sa midlane push ng Nexplay para kumpletuhin ang upset victory kontra sa M3 World Championship runner ups.

Malaki ang ginampanan ng Edith ni Rainiel “URESHIII” Logronio sa mga team fights, kung saan patuloy niyang ginulo ang dinamiko ng front lines ng ONIC PH. Nagtala ang rookie EXP laner ng desenteng 2/1/8 KDA papunta sa Game 5 panalo.

Umaatikabo ang bakbakan sa huling serye ng SIBOL 2022 MLBB qualifiers Day 3. Bagamat tahimik na 2/0/4 statline lamang ang itinala, bumida ang Wanwan ni Marius “Donut” Tan sa game 1 na tumindig kontra sa Clint ni Marky “Markyyyyy” Capacio.

Pasabog naman ang ginawa ng Fanny ni Ralph Benedict “Flick” Hamoy sa Game 2 na gumulantang sa Nexplay para itabla ang serye ng 1-1. Nagpamangha ang rookie jungler sa kaniyang assassin na nagtala ng 7/1/4 KDA.

Ibinalik naman ng NXPE ang momentum sa kanilang panig matapos ang isa nanamang pagpapakitang-gilas mula kay Donut, ngayon naman sa kaniyang Brodie na pinihit ang masamang early game para tapusin ang Game 3 ng may 8 kills at 7 assists kontra sa 3 deaths.

Screenshot ni Calvin Trilles ng ONE Esports PH

Nagawan man ng paraan ng ONIC na makabawi sa game 4 sa likod ng Clint ni Markyyyyy ay kinulang sila sa pagdako ng game 5.

Aangat ang NXPE para harapin ang RSG Philippines sa Lower Bracket Final ng SIBOL 2022 MLBB National Team Selection.


Sundan ang pagpaaptuloy ng SIBOL 2022 MLBB National Team Selection sa pamamagitan ng pagsunod sa ONE Esports Philippines sa Facebook!

BASAHIN: SIBOL 2022 MLBB National Team Selection Day 2: Blacklist, RSG umarangkada sa upper bracket finals