Patuloy na umiingay ang bali-balitang magbabalik na dating kapitan ng EVOS Legends na si REKT sa MPL Indonesia.

Matatandaan na paso na ang kontrata ng MLBB legend sa EVOS Legends. At matapos opisyal na bitawan ng team kasama ang dalawang kakosa na sina Luminaire at Wann ay naging aktibo na ang dating pro sa content creation sa YouTube.

Credit: EVOS

Kaya naman ng buksan ng kasintahan ni REKT na si Vior ang usapin tungkol sa posibilidad ng pagbabalik ng sikat na personality ay maraming nabigla at nasabik na mangyari ito.

Mas pinaigting pa ang usapin ng magkomento ang M1 World Championship teammates niya tungkol dito.


Luminare, Wann naniniwalang magbabalik si REKT sa MPL

Credit: Donkey

Sa isang livestream tampok sina Luminaire, Wann at Oura, nabuksan ang usapin tungkol sa posibilidad ng pagbabalik ng kanilang kapitan sa MPL.

Si Luminare, tiwala raw na gagawin ito ng ex-teammate, habang si Wann ay sinegundahan ang opinion. Samantala, hindi alam ni Oura kung may katotohanan sa sinasabi ng dalawa.

Malaking bahagi daw ng desisyon ni REKT na magbalik sa liga ang masaksihan ang kapwa beterano at karibal na si Lemon na maganda ang ipinapakita para sa hanay ng RRQ Hoshi.

“He saw that Lemon was playing well, maybe he thought, ‘Wow, my rival’, so he wants to play again,” paliwanag ni Luminaire.

Matatandaang parehong MLBB icons sa Indonesia ang dalawang player na nagsimula pa noong Season 1. 

Sa kabilang banda, ibinahagi din Ni Vior na kating-kati ang kaniyang partner at kapwa MLBB personality na muling maglaro, lalo na kapag nakakapanood ng mga bakbakan sa MPL ID.

Bagamat nakakapanabik kung mangyayari ito, maliit ang tiyansang magagawa ito ni REKT. Mababalikan na sinabi niyang may iniinda siyang injury sa kaniyang kamay na naghahadlang sa kaniyang pagsasanay, lalo pa’t umuubos ng 12-oras kada araw ang EVOS Legends sa scrimmages.

Pagsasalin ito sa sulat ni Redzi Arya Pratama ng ONE Esports ID.

BASAHIN: EVOS Dlar inaliw ang MPL ID fans sa kakatuwang interaksyon kasama ang White Tiger teammates