Opisyal ng ipinakita ng Moonton sa fans ang resulta ng gianwang revamp kina Leomord, Vexana at Farmamis sa Mobile Legends: Bang Bang.
Ito ay karugtong ng Rise of Necrokeeps kung saan nilayon ng game developer na bigyan ng bagong mukha ang tatlong karakter bilang parte ng kanilang Project NEXT. Naka-angkla ang pagsisikap ng grupo sa nasabing revamp upang mabigyan ng pagkakataon ang mga heroes na magamit muli sa Land of Dawn.
Ano ang Necrokeep?

Base sa lore ng Mobile Legends, ang Necrokeep ay isa sa mga lugar nakakapangilabot na lugar sa Moniyan Empire. Ngunit bago nito makuha ang kasulukuyan nitong reputasyon, ito muna ay kilala bilang Ridgeburg, isang lugar na mayaman na fortress city. Nagbago ang lahat ng bumagsak ang siyudad sa kamay ng Lord of the Abyss at ni Alice.
Ang Necrokeep area ay nasa ilalim ng kapangyarihan ni Queen Vexana. Si Faramis na isang royala mage, at si Leomord na lider ng hukbo, ay dalawa sa kaniyang matapat na lingkod.
Sina Leomord, Vexana, Faramis sa ‘Rise of Necrokeep’
Sa nasabing ‘Rise of Necrokeep’ video, hindi na nakakasindak ang hitsura ni Vexana katulad ng nakasanayan ng Mobile Legends fans. Ngayon, isa na siyang kaaaya-ayang dalaga na may titulong “Duchess of the Cursed Land”.

Gayundin ang laki ng pinagbago sa hitsura ni Faramis. Mas elegante ang anyo ng mage hero ngayon sa kaniyang puti at mahabang buhok na binagayan ng kaniyang blue-green robe. Sa kabilang banda, mas brusko ang tindig ni Leomord, bagamat kaunting adjustments lamang ang ibinigay sa kaniyang overall look.

Inaasahan na ang malaking pagbabago na itinampok sa ‘Rise of Necrokeeps’ ang magbibigay-buhay sa mga hero lalo pa’t hindi na sila kasing-popular sa gameplay tulad ng dati.

Bukod sa kanilang overall look, marami ring adjustments sa skillsets ng tatlong heroes ang ihahandog ng Moonton sa mga fans, kasama na ang bagong UI at pagbabago sa minions. Kaya naman dapat antabayanan ang paggulong nito sa original server ngayong June 24.
Sundan ang pinakahuli sa Land of Dawn sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa ONE Esports Philippines sa Facebook.
BASAHIN: Thamuz 2022 item build : Ganito na ngayon ang pagbuo ng items sa fighter ayon kay EVOS Antimage