Isa ang Thamuz sa mga heroes na binigyan ng pinakamalaking adjustment sa pagpasok ng MLBB Patch 1.6.84. Mababalikan na sa nakalipas na MPL season, mas pinaburan ng pro teams ang heroes tulad ng Esmeralda, Grock at Dyroth na talaga namang nagbigay ng mainit na aksyon sa EXP lane. Ito ang sagot ng Moonton sa unti-unting pagkawala ng fighter hero sa meta ngayong 2022.

Inaasahan ng developer na maibabalik ang Lord Lava sa meta sa revamp na ibinigay sa kaniyang skills.


Adjustments sa Thamuz sa MLBB Patch 1.6.84

Credit: Moonton

Ngayong pumasok na ang MLBB patch 1.6.84 ay mataas ang tiyansang magbabalik na ang Lord Lava sa meta. Ito ay dahil binigyan ng adjustment ang EXP lane hero partikular na sa kaniyang Basic Attacks at Ultimate.

Passive (↑)

  • New Effect: Kapag hawak ng Thamuz ang kaniyang Scythes, may tiyansa ang kaniyang Basic Attacks na magpalabas ng burst Lava Energy sa kaniyang target.
  • Eruption Delay: 2s >> 0.7s
  • Hindi na gumagana ang Scorh sa mga kalabang natatamaan ng kaniyang Basic Attacks.

Skill 1 (↑)

  • New Effect: Maaari ng mag-cast ulit ng Skill ang Thamuz para makuha pabalik ang kaniyang Scythes.
  • Hindi na tumitigil ang Scythes kapag nakakatama ng minions.

Ultimate (~)

  • Attack Speed Boost: 1.22-1.44 Times >> 1.3-1.6 Times
  • New Effect: Magkakaroon ng extra 500-1500 Max HP ang Thamuz sa duration at ma-rerecover ang parehong laki ng HP.
  • On-Hit HP Regen: 2%-3% Max HP >> 1.5%-2.5% Max HP
  • Binawasan ng bahagya ang area of effect ng Ultimate alinsunod sa visual effects.

Thamuz item build ni EVOS Antimage

Hindi maikakaila na isa si Antimage ng EVOS Legends sa pinakamahusay na Thamuz users sa mundo. Kaya naman masaya ang EVOS mainstay sa ibinigay na adjustment sa kaniyang hero.

Dahil sa bagong attributes na nakasandal sa attack speed at eruption effects, pinapaboran ni Antimage ngayon ang paggamit ng Corrosion Scythe bilang first item ng hero. Malayo ito sa tipikal na build sa Thamuz noon kung saan inuuna ang War Axe o di kaya naman ay Bloodlust Axe.

Sa item build ni Antimage, pangatlo lamang ang War Axe, na puwedeng palitan ng Haas Claw depende sa sitwasyon. Ramdam ng EVOS player ang lakas ng paboritong hero niya ngayon, kaya naman todo ang pagbuo ng attack items sa early to midgame.

Sa huling bahagi, sinasamahan ni Antimage ng Bruteforce Breastplate ang item build at nakapedende ang ibang defensive items sa komposisyon ng kalaban.

Para sa mga balita at MLBB guides, sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: MLBB hero na walang ulti? Alamin kung anu-ano at paano gumagana ang skills ni Julian