May ilang hindi popular na heroes sa Mobile Legends ang inaasahan ngayong manunumbalik sa Land of Dawn matapos gumulong ang MLBB patch 1.6.84. Ayon din sa Moonton, layunin ng nasabing update na bigyan ng pag-asa ang heroes na ito na makapasok muli sa meta.

Sa metagame na dinomina ng heroes tulad ng Valentina, Karina, Wanwan at Grock, malaki ang tiyansa na magpapakita muli sa ranked games at maging sa pro play ang heroes na nasa listahang ito.


3 most buffed heroes pagkatapos ng MLBB patch 1.6.84

Irithel

Credit: Moonton

Pangunahin sa listahan ng binigyan ng malaking adjustment sa gumulong na MLBB patch 1.6.84 ang marksman hero na Irithel. Sa papel, mukhang viable na muli ang Irithel dala ng kaniyang bagong passive kung saan kahit naka-cooldown ang kaniyang Ultimate ay makakapaglabas pa rin siya ng makating damage.

Passive ()

  • Number of Bolts on Each Basic Attack: 3 >> 2
  • Bolt’s Damage: 35% Physical Attack >> 55% Physical Attack

Bukod dito, hindi na rin gagastos ng mana ang skills ni Irithel. Nakakaipon siya ng energy habang gumagalaw at magpapakawala ng extra bolt sa susunod na Basic Attack kapag napuno ang nasabing energy.

Skill 1 (↓)

  • Damage: 450-650 + 60% Physical Attack >> 330-530 + 60% Physical Attack

Ultiamate (~)

  • New effect: Kapag activated ang kaniyang Ultimate, mas maigis na ang kailangang oras para lumabas ang extra bolt mula sa kaniyang Passive.
  • Mas mababa na din ang damage ng ehnaced bolts ng sa gayon ay ang overall damage niya kapag activated ang kaniyang Ultimate ay hindi magbabago: 180 + 85%-105% Physical Attack >> 120 + 60%-80% Physical Attack

Thamuz

Parang kailan lamang ay isa ang Thamuz sa paboritong picks para sa EXP lane dahil sa sustain at DPS na kaya niyang pakawalan. Gayunpaman, unti-unting nawala sa meta ang fighter dahil mas binigyan ng prayoridad ang heroes tulad ng EXP Grock, Esmeralda at Dyroth na malalakas ang impact sa teamfights bukod sa dalang kunat.

Credit: Moonton

Ngayong pumasok na ang MLBB patch 1.6.84 ay mataas ang tiyansang magbabalik na ang Lord Lava sa meta. Ito ay dahil binigyan ng adjustment ang EXP lane hero partikular na sa kaniyang Basic Attacks at Ultimate.

Passive (↑)

  • New Effect: Kapag hawak ng Thamuz ang kaniyang Scythes, may tiyansa ang kaniyang Basic Attacks na magpalabas ng burst Lava Energy sa kaniyang target.
  • Eruption Delay: 2s >> 0.7s
  • Hindi na gumagana ang Scorh sa mga kalabang natatamaan ng kaniyang Basic Attacks.

Skill 1 (↑)

  • New Effect: Maaari ng mag-cast ulit ng Skill ang Thamuz para makuha pabalik ang kaniyang Scythes.
  • Hindi na tumitigil ang Scythes kapag nakakatama ng minions.

Ultimate (~)

  • Attack Speed Boost: 1.22-1.44 Times >> 1.3-1.6 Times
  • New Effect: Magkakaroon ng extra 500-1500 Max HP ang Thamuz sa duration at ma-rerecover ang parehong laki ng HP.
  • On-Hit HP Regen: 2%-3% Max HP >> 1.5%-2.5% Max HP
  • Binawasan ng bahagya ang area of effect ng Ultimate alinsunod sa visual effects.

Floryn

Bago pumasok ang tinaguriang “Tank Meta” ay nariyan muna ang “Heal Meta” o “Nice One Baby Meta” na umuso sa pro eksena noon. At kasabay ng pagbibigay ng buff sa Floryn ay baka magbadya muli ang strat na ito.

Credit: Moonton

All around boost ang ibinigay sa support hero sa MLBB patch 1.6.84, partikular na sa kaniyang damage at HP regen. Hindi malabong mapapasakamy ito ng mga utility supports sa ranked games at pro play.

Skill 1 (↑)

  • Damage’s Magic Power Bonus: 150% >> 180%

Ultimate (↑)

  • HP Regen’s Magic Power Bonus: 40% >> 70%

Bagamat maganda ang itsura sa papel ay maaga pa para sabihin kung pasok ang mga heroes na ito sa meta ngayon. Gayunpaman, malaking bagay ang inilatag na pagbabago sa kanila sa MLBB patch 1.6.84 para tumaas ang tiyansang maisalang muli sila sa mga bakbakan sa Land of Dawn.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga balita tungkol sa MLBB.

BASAHIN: MLBB hero na walang ulti? Alamin kung anu-ano at paano gumagana ang skills ni Julian