Ang pag-akyat mula Epic patungong Mythic sa Mobile Legends: Bang Bang ay maaaring maging isang hamon, lalo na kung ikaw ay naglalaro nang solo.

Mas mahirap ito kung ikaw ay isang roamer main, dahil kailangan mong umasa sa iyong carries upang makuha ang tagumpay.

Gayunpaman, ayon kay Allen “Baloyskie” Baloy ng Geek Fam, hindi gaanong nakakatakot ang pagtatamo ng sunud-sunod na panalo habang naglalaro mag-isa, lalo na kung pipili ka ng tamang heroes.

Sa isang eksklusibong panayam sa ONE Esports, ipinapaliwanag ng mahusay na roamer ang kasalukuyang meta, na nagbibigay-diin sa mga hero na itinuturing na overpowered, na maaaring magamit upang umangat sa ranked games.



2 roam heroes na nirerekomenda ni Baloyskie kung gusto mong magpataas ng rank

Mobile Legends: Bang Bang roam heroes Angela, Diggie, and Rafaela
Credit: Moonton Games

Alam ni Baloyskie na mahirap maglaro nang solo bilang roamer, ngunit hindi imposible.

Binibigyang-diin niya ang kahalagahan ng paggamit ng mga support heroes na may potensyal na bumuhat ng laro kung ikaw ay naglalaro mag-isa, at nangunguna sa kanyang listahan ang hero na si Guinevere.

MLBB Guinevere RSG PH Light
Credit: Moonton Games

“Ang lakas niya ngayon,” aniya. “Pwede siyang gamitin sa maraming role ngayon, kasama na roamer.”

Ang hero ay nakatanggap ng maliit, ngunit mahalagang buff sa patch 1.8.30. Ang kanyang pangalawang skill na Spatial Migration ay nagbibigay ng panandaliang stun sa target sa unang pagtama nito.

Ito ay nagpapadali sa kanya na gamitin ang Violet Requiem sa mga team fights.

Kung banned si Guinevere, inirerekomenda ni Baloyskie na pumili ng Angela, ang Bunnylove.

“Pwede siyang gamitin mula Epic hanggang Mythic dahil sobrang lakas niya,” dagdag niya. “Lalo na kung marunong ang jungler na kasama mo.”

Bagamat may natanggap na nerf sa pinakabagong patch, isang mabisang pick pa rin ang hero sa ranked, lalo na kapag kasama ang mga assassin junglers.

Ang kanyang ultimate na Heartguard ay nagbibigay-daan sa kanya na sumanib sa isang kakampi, kung saan maaari niyang ilabas ang kanyang mga skill nang walang bawas sa mana.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

READ MORE: Painitin si X.Borg gamit ang 3 best items na ‘to sa Mobile Legends