Hatid sa inyo kasama ang Samsung.

Karaniwang ginagawa ang Immortality-Winter Truncheon combo ng professional at high-ranked players sa Mobile Legends: Bang Bang.

Bukod kasi sa nagpapakita ito ng iyong mekanikal na husay, isa rin itong importanteng teknik para mapatagal ang iyong buhay.

Jungler role guide para sa beginners sa MLBB

Kadalasan itong ginagawa ng mga jungler at mage sa late game, kung saan ang bawat sandali ay maaaring mangahulugan ng inyong pagkapanalo o pagkatalo.

Kung nais mong matutunang gawin ang Immortality-Winter Truncheon technique, narito ang isang komprehensibong ONE Esports guide para sa iyo.

Mga benepisyo ng Immortality-Winter Truncheon trick sa MLBB

Mobile Legends: Bang Bang asssasin Soul Revelation Gusion skin
Credit: Moonton Games
Gusion Guide ni ECHO Sanji: Item build, emblem, battle spell, at combo

Nakakapag-revive ang Immortality kapag ikaw ay namatay, dala ang maliit na porsyento ng iyong HP kasama ang disenteng shield.

Samantala, kapag pinindot mo naman ang Winter Truncheon, bibigyan ka nito ng ilang segundo para hindi tablan ng kahit anong damage o crowd control effect, kapalit ng pagkawala ng iyong abilidad na makagalawa at umatake.

Maging makunat sa gold lane gamit ang Karrie tank build

Kapag pinagana ang dalawang item na ito sa isang sequence, nagiging epektibong taktika ito na kayang makapagpabaliktad ng sitwasyon papunta sa iyong panig.

Sa paggamit ng Immortality-Winter Truncheon move, nabibigyan mo ang iyong mga kakampi ng panahon para makaresponde at mabawian ang mga kalaban.

Immortality-Winter Truncheon combo in-game screenshot
Screenshot ni Jeremiah Sevilla/ONE Esports

Nakakabili rin ito ng oras para sa iyong koponan na makuha ang isang objective habang hinihintay ng mga humahabol sa’yo na matanggal ang epekto ng Winter Truncheon.

Dagdag pa, maaari mong magulo ang stratehiya ng kabilang koponan at pilitin sila na ibuhos sa’yo ang kanilang skills pagdating sa mga team fight.

I-master ang 3 Roger combos na ito para dominahin ang kalaban sa Mobile Legends

At panghuli, nabibigyan ka nito ng pagkakataon na i-outplay at mapuksa ang iyong kalaban, na makakapagbigay ng bentahe sa iyong koponan.

Ganito gawin ang Immortality-Winter Truncheon combo sa MLBB

Mobile Legends: Bang Bang Eyes of Eternity Lunox skin wallpaper
Credit: Moonton Games

Sa oras na mabili mo ang Immortality bilang iyong huling item, sundin mo ang mga hakbang na ito upang maisagawa ang nasabing stratehiya:

  1. Buksan ang Item Shop at pumunta sa kategorya ng Magic kung saan matatagpuan mo ang Winter Truncheon.
  2. Pindutin ang “Prioritize” upang ito ang unang lalabas na rekomendadong item mula sa Shop kapag nagkaroon na ng espasyo sa iyong inventory.
  3. I-tap ang Immortality sa iyong inventory, nang sa gayon ay kapag binuksan mo ulit ito, nakahanda na itong mabenta agad at mapalitan ng Winter Truncheon.
  4. Sa sandaling magamit ang Immortality, agad na buksan ang iyong inventory, ibenta ito, isara ang inventory, sabay bilhin ang Winter Truncheon na lalabas bilang rekomendadong item sa top-right corner ng iyong screen.
  5. Sa iyong muling pagkabuhay, agarang i-activate ang Winter Truncheon, at mabilisang isipin ang iyong susunod na hakbang.


Tandaan, mayroon ka dapat sapat na gold para makabili ng Winter Truncheon matapos ibenta ang iyong Immortality.

Hangga’t maaari, iwasan ang pagbili ng potion upang masiguro na mayroon kang extra gold.

Alamin ang kahalagahan ng 3 potions sa Mobile Legends at kung sulit bang bumili nito

Ang ibang mga bihasang manlalaro ay dinadagdagan pa ang trick na ito ng Rose Gold Meteor, isang attack item na nakakapagbigay ng shield at movement speed kapag bumaba ang iyong HP sa partikular na porsyento.

Ngunit nangangailangan ito ng mas mabilis na pag-iisip at paggalaw ng daliri, at siyempre ay mas masusing pagsasanay.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa MLBB, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Sanayin ang 3 Kadita combos na siguradong lulunod sa iyong mga kalaban