Talaga namang nangibabaw ang performance ng RRQ Hoshi para sa season na ito, at iilan lang ang teams na kayang sumabay sa kanila.

At makikita ito sa MPL ID S9 playoffs. Bagama’t hindi naging perpekto ang mga panalong nakuha nila, nagawa pa ring tapusin ng RRQ Hoshi nang maayos ang bawat laban.

Nakaharap nila ang EVOS Legends sa kanilang unang match sa playoffs. Nang madehado sila sa score na 2-0, ipinakita ni Clay kung paano mag-isip ang isang kampeon at binaligtad ang sitwasyon upang pumabor sa kanyang team at kunin ang panalo.

At hindi siya tumigil dito, dahil halos pareho ang nanalo sa upper bracket final laban sa ONIC Esports. Ang pinagkaiba ng sitwasyon sa match na ito ay nasa RRQ Hoshi ang lamang na 2-0.

Subalit nanindigan ang ONIC Esports at nagawang humabol upang maging tabla ang score, hanggang sa ipakita nina Clay, Vynnn, R7, Skylar, at Alberttt na karapat-dapat silang makapasok sa grand final at kunin ang unang slot para sa MSC 2022.

Ang naghikayat kay Clay upang ihatid ang RRQ Hoshi sa MPL ID S9 championship

Kung meron mang isang player na gustong-gustong bitbitin ang RRQ Hoshi papunta sa kampeonato ng MPL ID S9, ito ay walang iba kung hindi si Clay. Isa siya sa dalawang main players ng RRQ Hoshi, kasama ni Skylar, na hindi pa nakakatikim ng MPL title.

Muntik na silang manalo noong nakaraang season ngunit nabigong kunin ito. Para sa season na ito, mas matindi ang motibasyon ni Clay upang kunin ang kampeonato.

Clay RRQ Hoshi MPL ID S9
Credit: MPL ID

“Actually, from the beginning of the season, I have done different things. It’s like I was holding back half of my ability last season, but now I’m all in more than anything else,” sabi niya sa ONE Esports sa isang media interview.

“I sacrificed everything for this season,” dagdag pa niya.

Maraming bese na naging susi si Clay sa tagumpay ng RRQ Hoshi sa playoffs. Ang performance ng kanyang Yve laban sa EVOS Legends ang nagdala sa kanila ng panalo. Naging matalas din ang kanyang paggamit ng Xavier sa kanilang pagharap sa ONIC Esports.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.