Ginawa ng opisyal ang RRQ Hoshi roster na sasabak sa MPL Indonesia Season 10. Ito ay karugtong ng anunsyo ng koponan sa naganap na meet and greet sa Jakarta Cinema XXI Epicenetrum sa Indonesia noong July 9.

Sa naturang anunsyo, pinangalanan nila ang mga players na sasalang para sa kanila sa tangkang depensahan ang kanilang korona. Makakasama rin nila sina Fiel at Acil na mananatiling haligi para sa King of Kings.


RRQ Hoshi roster para sa MPL ID S10

Credit: ONE Esports
PLAYERROLE
Rivaldi “R7” FatahEXP lane
Deden Muhammad “Clayyy” NurhasanMid lane
Teguh Imam “Psychoo” FirdausMid lane
Albert Neilsen “Alberttt” IskandarJungler
Calvin “Vynnn”Roamer
Muhammad “Lemon” IkhsanAll role
Schevenko David “Skylarr” TendeanGold lane
Riko “Violence”Roamer

Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng petsa ang Moonton kung kalian papagulungin ang MPL ID Season 10. Gayunpaman, malaki ang tiyansa na magsimula ito sa gitnang bahagi ng Agosto kung pagbabasihan ang naganap noong nakaraang taon.

Dahil mananatili ang mga core members ng RRQ Hoshi roster, mananatili rin na paborito ang team sa kanilang layuning makuha ang back-to-back title. 

Credit: MPL ID

Mababalikan na noong nakaraang season, malinis trinabaho ng main 5 ng RRQ ang regular season papunta sa rurok ng standings. Binigyan nila ng magandang advantage ang kanilang sarili bago tuluyang nakawin ang tropeyo.

Bagamat mananatiling paborito ay malaki ang hamon ang haharapon ng King of Kings lalo pa’t sasambulat sa kanila ang makamandag na ONIC Esports na mas pinatapang ng adisyon mula MPL PH na sina Kairi “Kairi” Rayosdelsol at ng kaniyang coach na si Denver “Coach Yeb” Miranda.

Credit: ONE Esports

Kapanapanabik na makita kung magagawa ba ng RRQ Hoshi roster na ito na magapi ang pinatibay na lineup ng ONIC, katuwang pa ng iba pang ID teams na nagtatangkang kumuha ng serbisyo ng ilan pang players mula MPL PH.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook!

BASAHIN: Alberttt, maglalaro nga ba bilang gold laner ng RRQ Hoshi sa MPL ID Season 10?