Isa si RRQ Hoshi jungler Albert Nielsen “Alberttt” Iskandar sa pinakamagagaling na Mobile Legends pro sa kanyang role sa buong mundo. Ngunit sa paparating na MPL Indonesia Season 10, bali-balita na magpapalit ng role ang star player.

Galing sa kanilang runner-up finish sa MSC 2022 sa Kualua Lumpur, Malaysia, halos kakabalik lang ni Alberttt sa pagla-livestream sa kanyang YouTube channel nitong Miyerkules, ika-22 ng Hunyo.

Sa naturang stream, ang 18-year-old pro, na madalas ay naglalaro bilang jungler, ay namataang gumaganap bilang gold laner. Gumamit siya ng ilang marksman heroes tulad nila Wanwan, Beatrix, Claude, Karrie at Bruno.

Sa una, naglaro siya bilang gold laner dahil kasama niya ang jungler ng Alter Ego na si Eldin “Celiboy” Rahadian Putra. Pero matapos ang isang laro kasama si Celiboy, nanatili siya sa gold lane hanggang sa matapos ang kanyang dalawa’t kalahating oras na stream.



Nakapagpakita ng mataas na kalidad ng laro si Alberttt sa paggamit ng marksman heroes at madalas pa ngang buhatin ang kanyang koponan sa panalo.

Pero siya na kaya ang magiging bagong gold laner ng RRQ Hoshi pagsapit ng MPL ID Season 10?

Sa ngayon ay masyado pang maaga para sabihin na ganito nga ang mangyayari. Dagdag pa rito, may malalakas na gold laners na rin ang RRQ tulad nila Skylar at Lemon kaya naman maliit ang tsansa na magpapalit siya ng role.


Ayos lang ba na magpalit ng role si Alberttt ng role mula jungler papuntang gold laner?

Alberttt
Credit: MSC 2022

Bagamat nakikitang sorpresa at malaki ang magiging impact sa rotation ng RRQ Hoshi ang pagpalit ni Alberttt ng role mula jungler patungong gold laner, hindi ito imposibleng mangyari.

Patunay ang kanyang performance sa MSC 2022 sa lawak ng kanyang hero pool at husay sa paggamit ng mga ito. Bagamat kinapos silang makuha ang kampeonato kontra RSG PH, walang duda na solid pa rin ang ipinamalas na laro ng ace jungler.

At kung pag-uusapan naman ang pagpapalit ng role ng isang manlalaro, hindi na ito bago sa MLBB pro scene. Ginawa na ito ng ilang koponan tulad ng Todak at EVOS SG.

Credit: MSC 2022

Si Muhammad “Ciku” Danial, na dating jungler ng Todak, ay lumipat sa gold lane habang pinalitan naman siya ni Idreen “Momo” Bin Abdul Jamal. Nagpapalit-palit din sa jungle sina Wan “4Meyz” Usman at Abd “Yums” Qayyum noong MPL Malaysia Season 9.

Sa kaso naman ng EVOS SG, ang dati nilang EXP laner na si Tristan Christopher “Gear” Nathanael ay naglaro bilang jungler sa MSC.

Sa madaling salita, kung kakailanganin ng RRQ Hoshi, talagang posible na bumida bilang gold laner si Alberttt sa paparating na season.

Para sa mga balita patungkol sa MPL ID maging sa MPL Philippines, maaari niyong i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Base ito sa akda ni Verdi Hendrawan ng ONE Esports Indonesia.