Ipinakita ng RRQ Hoshi ang tunay na kamandag ng Indonesian meta pagkatapos padapain ang ONIC Philippines, 2-0, sa round 2 ng MPL Invitational 2021.

Hindi binigo ng top teams mula sa Indonesia at Pilipinas ang mga mirong sumubaybay sa bakabkan. Kaliwa’t-kanang outplays ang napanood ng mga fans sa primerang tapatan, ngunit isang team fight sa ika-24 minuto ng laro ang nagdikta ng game 1 resulta.

Credit: ONE Esports/ Screenshot ni Calvin Trilles

Lumabas na mas matibay ang depensa ng RRQ Hoshi na pumuksa sa huling tangka ng mga Pinoy bumasag sa mid lane, na nagresulta sa Double Kill para sa Yi Sun Shin ni Albert Neilsen “Alberttt” Iskandar.

Dito na din umangat ang mga miyembro ng Indonesian team para tuluyang basagin ang base ng ONIC.

Kung dikitan ang tapatan sa game 1, nag-iba naman ang ihip ng hangin sa game 2 kung saan dominanteng early game ang inihandog ng RRQ Hoshi sa pangunguna ng Lancelot ni Alberttt.

Credit: ONE Esports/ Screenshot ni Calvin Trilles

Hindi na lumingon ang ID team na ipinagpatuloy ang atake hanggang mid game para paliitin ang mapa ng mga Pinoy. Kitang-kita ang kalamangan ng RRQ Hoshi pagdako sa 12 minuto ng laro, kung saan tatlo sa limang miyemrbo nila ang nanguna sa total gold.

Swabeng Esmeralda plays ni Rivaldi “R7” Fatah ang tumulong sa MPL ID Season 8 runners up para buwagin ang matinding atake ng ONIC PH, kung saan nagtala ang RRQ EXP laner ng magkasunod na 4/0/8 at 6/0/8 KDA.

Sa panalong ito, aangat ang Indonesian team sa Quarterfinals kung saan susubukan nilang itumba ang Team SMG ng Malaysia.

Sundan ang pinakahuling balita tungkol sa MPL Invitational 2021 sa pamamagitan ng pagsunod sa ONE Esports PH sa Facebook.