Nananatili pa ring isang malaking question mark ang roster ng RRQ para sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season 12 (MPL ID S12). Parang matagal pa bago natin malaman dahil may ilang mga tournament pa na gaganapin bago ang ikalabindalawang season.

Ang nagdaang Season 11 ay isa sa pinakamasamang performance ng RRQ sa MPL. Sila ay maagang natanggal at hindi pa nakakatungtong sa grand finals mula pa noong Season 7.

Ito ay isang napakabigat na resulta para sa isang koponan katulad ng RRQ. Lalo na’t ang kanilang performance sa regular season ay maganda naman. Ang pagkatalo ay lalong mas masakit dahil sa napakalupit na comeback ng EVOS Legends sa kanilang deciding game.

EVOS vs RRQ
Credit: ONE Esports

Hindi nakapagtatakang agad na nagkaroon ng usap-usapan tungkol sa potensyal na pagbabago sa roster ng RRQ para sa MPL ID S12. Lalo na’t mayroong kumakalat na balita tungkol sa pagkakatanggal ni Schevenko “Skylar” Tendeankahit, na siya namang pinabulaanan na ng kampo ng RRQ.

Dahil alam nila kung ano ang nangyayari, agad na umaksyon ang RRQ. Kahit na ilang sandali pa lamang matapos ang kanilang pagkatalo, naglakas-loob silang gumawa ng hakbang ukol dito.

Posibleng magkaroon ng PH player sa roster ng RRQ sa MPL ID S12

Hindi na lingid sa nakakarami na simula pa noong dalawang nagdaang seasons, sinusubukan na ng RRQ na magdala ng mga Filipino players sa kanilang koponan. Ngunit hindi ito naging matagumpay. Si Duane “Kelra” Pillas ay isa sa mga kilalang pinakamahuhusay na players na inalok ng koponan bago ang season 10.

Hanggang sa nagtanong ang ONE Esports sa CEO ng RRQ na si Adriane Pauline “Pak AP” Husen nang eksklusibo tungkol sa mga posibleng pagbabago sa roster at pagkuha nila ng PH player. Ano ang

“One day after we lost, I immediately took action. We didn’t waste any time, there were many things we needed to fix. We have a plan, but a plan is just a plan if it can’t be executed successfully,” sabi ng CEO.

Kelra OMG PH player
Credit: MPL Philippines

“For several past seasons, we have been targeting several names (Filipino players) but it always ends up being a dead end. Sometimes the management doesn’t allow it or the players are not ready to move. There is definitely a plan for S12, but usually they (Filipino players) will open communication after the playoffs (MPL PH S11) which means next week.”

“I have never been against players from outside. I’m not being hypocritical, Jamess himself, who was a player from Singapore in S3, is proof that I’m not against it, as long as he is talented and good, why not? In my opinion, esports should be open to all talented players.”

Pak AP RRQ CEO
Credit: ONE Esports

“As for the RRQ MPL ID S12 roster, I am looking for players. But again, there will be many factors such as the player’s family, price, and other things, and even if I want to, will the players be a good fit? There are many variables, not just whether the CEO wants it or not. I don’t want it to become an internal conflict and that’s what I always avoid,” paliwanag niya.

Hindi nila sinasara ang pinto sa potensyal na pagbabago sa kanilang roster. Ngunit sa ngayon ay hindi pa makumpirma ni Pak AP ang ibangh detalye sa kasalukuyang sitwasyon.

Vynnn
Credit: ONE Esports

“I think there is a chance for a roster revamp but let’s see what happens in the future. Some of my players are still focused on the national team. If I want to look for new players because of the MPL ID playoffs, I’m confused because they are still focused on the playoffs. In May, we will try to discuss permission for trials with their management or for negotiation,” sabi niya.

“For example, if I say we want to revamp the roster, it’s too early, maybe after I try the players and I like them, but right now there are no significant results yet. Regarding action, we have already taken quick action, but there are no results yet, so I can’t say what the details are.”

Sa ngayon ay hindi pa tuluyang napagpapasyahan ang kahihinatnan ng roster ng RRQ para sa MPL ID S12, ngunit kasalukuyan nang isinasagawa ang mga kaukulang aksyon.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.