Wala pang isang buwan nang matapos ang MPL Indonesia Season 11 ngunit umiiral na agad ang mga ispekulasyon ukol sa roster na isasalang ng bantog na koponan na RRQ Hoshi pagdating ng Season 12.

Kasunod ito ng pasabog na inilahad ng gold laner ng team na si Schevenko “Skylar” Tendean sa kaniyang live stream kung saan binanggit niya na hindi muna siya babandera para sa Kingdom sa susunod na season.

Credit: ONE Esports

Sinindihan nito ang maraming kuro-kuro ukol sa player na papalit sa kaniya sa lineup ng RRQ kung saan muling lumutang ang pangalan ng Smart Omega gold laner na si Duane “Kelra” Pillas bilang primerang kandidato.

Maaalala na hindi ito ang unang pagkakataon na naiugnay ang Omega superstar sa RRQ Hoshi. Bago pa man gumulong ang MPL Philippines Season 9, kaliwa’t-kanan na ang bulungan ukol sa posibilidad ng pagtawid ng Pinoy gold laner sa panig ng pamosong Indonesian org.

Gayunpaman, maagang pinabulaaanan ni Kelra ang balitang ito.


Kelra pinabulaan ang kuro-kuro ukol sa paglipat sa RRQ

Credit: ONE Esports

Mabilis na ikinaila ni Kelra na siya ang player na pupuno sa iiwanang roster spot ni Skylar sa hanay ng King of Kings sa MPL ID. Ito ay nang sagutin ng Omega pro ang isang tanong ng fan ukol dito. “RRQ Kelra na ba? Hindi ah.”

Kasabay nito, hindi rin nagpigil si Kelra na magkomento sa ispekulasyong pumapalibot sa karibal sa Blacklist International na si Kiel Calvin “OHEB” Soriano na kasalukuyang nagpapahinga mula sa pro play.

“Tingin ko di siya kukunin ng RRQ. Blacklist pa rin yan si OHEB, guys,” aniya.

Credit: ONE Esports

As the buzz about Skylar’s replacement continues, Kelra refused to reveal who would take over the Gold Laner position. However, he did confirm that Xinn would not be returning to the team.

Habang nagpapatuloy ang mga bali-balita tungkol sa papalit kay Skylar, tumanggi ang Pinoy gold laner na magbigay pa ng komento ukol dito. Gayunpaaman, sinigurado niya na hindi ang dating RRQ gold laner at beteranong si Yesaya “XINNN” Wowiling ang taong ito.

Credit: ONE Esports

Ngayong wala pang opisyal na anunsyo ng esports org sa status ng Best Gold laner sa MPL ID S11, nanatiling palaisipan sa mga fans ang magiging galaw ng RRQ.

Sundan ang pinakahuli sa MPL sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa Facebook ng ONE Esports Philippines!

BASAHIN: Skylar tinanggal sa RRQ? Narito ang 3 best gold laners na maaaring pumalit sa kanya