Kamakailan lamang ay ginulantang ng RSG Philippines ang mundo ng puguin nila ang RRQ Hoshi, 4-0 para kuhanin ang ikatlong MSC kampeonato ng isang pro team mula Pilipinas.

Nauna ng magharap ang dalawang teams sa upper bracket final kung saan nakuha ng RRQ ang dominanteng 3-1 panalo para sipain ang RSG PH papunta sa lower bracket.

Gayunpaman, malayo ang naging resulta ng unang paghaharap ng teams sa Grand Finals ng MSC 2022 dahil sa pagkakataong ito, hinagupit ng mga Pinoy ang Indonesians para sa matamis na paghihiganti. Ngunit ano nga ba sikreto ng RSG PH sa matchup?

Credit: ONE Esports

Pagkatapos ng laban, nakausap ng ONE Esports ang midlaner ng team na si Arvie “ Aqua” Antonio na inilahad ang naging daloy ng inantabayanang rubber match.

Ayon kay Aqua, hindi raw binago ng RRQ Hoshi ang kanilang atake sa upper bracket at sa grand finals paghaharap nila ng kaniyang team. Bagkus, RSG PH daw ang nag-adjust kaya nabigyan sila ng kalamangan sa huli at pinaka-importanteng serye ng torneo.


Drafting ng RRQ Hoshi na-check ng RSG PH mula sa UB Finals match

Matapos magapi ng RRQ, nakaharap ng RSG PH ang defending champions ng MSC at kapwa Pinoy team na Smart Omega sa lower bracket finals. Madikit ang nasabing laban, pero nanaig ang Kingslayers sa manipis na 3-2 panalo sa BO5.

Pagdako ng grand final, kakaiba ang tindig na ipinakita ng RSG PH kontra sa Indonesians dahil mas handa daw ang team ayon sa midlaner.

“Nung nakalaban naming yung RRQ kahapon, wala kami masyadong nakatulog,” aniya. “Pero ngayon, mas ready kami. Napag-aralan naming ng konti yung laro ng RRQ kaya sa tingin ko mas handa kami,” 

Ngunit ang pinakamahalagang napulot ng team ay ang drafting pattern ng MPL ID champions.

Credit: MSC

“Na-analyze namen laro nila [RRQ Hoshi]. May mga comfort heroes kasi na madaling hulaan. Tapos ‘yon, comfort heroes nila ginagamit nila para manalo eh,” sabi niya sa ONE Esports.

Sa apat na games sa grand finals series, first three bans ng RSG PH ang Franco ni Vyn, Ling ni Albert at Claude ni Skylar. Sapat ang drafting attack na ito para mapuwersa ang RRQ na maglaro ng iba’t-obang compositions, kaiba sa isinalang nila sa UB finals kung. Ito ang nagbigay ng kaunting kalamangan para sa mga Pinoy.

Mahaba at madikit ang laban sa unang tatlong laro ng serye na tumagal ng lampas 20-minutos. Sa lahat ng laro, lumabas ang gilas ng RSG PH sa late game kaya naman nakuha nila ang commanding 3-0 lead.

Lumabas ang pagkadismaya ng RRQ sa ika-apat at huling laro ng serye bagamat hawak ni Alberttt ang kaniyang paboritong Lancelot. Natapos ang laro na may 0/2/0 KDA ang kaniyang jungler pick katuwang ng 2-12 tambakan sa kill score.

Sundan ang pinakahuling balita tungkol sa Mobile Legends sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Matapos maging Finals MVP ng MSC 2022, si EMANN na ang ikatlong PH gold laner na MVP sa international stage