Bubuksan ng Blacklist International ang kanilang kampanya sa MPL Philippines Season 10 sa pamamagitan ng pagbibigay-pugay sa kanilang fans na walang-sawang sumuporta sa kanila sa mga nagdaang taon.

Ang “Blacklist Protocol,” ang S10 Launch Event ng Blacklist International, ay gaganapin ngayong Agosto 6, Sabado, alas-singko hanggang alas-siyete y medya ng gabi sa SM Mall of Asia Music Hall.

Credit: Blacklist International

Ito ay nakalinya sa pakay ng org na bigyan ng pagkakataon ang mga fans na makita at magkaroon ng tiyansang makasalamuha ang mga miyembro ng dekoradong team na muling sasabak ngayong season. Kasama na din dito ang layunin nilang paigtingin at palawakin pa ang koneksyon ng agents sa bawat isa, at sa mismong brand.


Ano ang magaganap sa S10 Launch Event ng Blacklist?

Credit: Blacklist International

Itatampok sa S10 Launch Event ng Blacklist ang players na babandera para sa team sa magbubukas na season.

Dadalo sa nasabing event ang tanyag na duo na sina Jonmar “OhMyV33NUS” Villaluna at Danerie “Wise” Del Rosario. Maliban sa V33Wise duo, magkakaroon din ng tiyansa ang fans na makita sina Kiel “OHEB” Soriano, Salic “HAD JI” Imam, Edward “EDWARD” Dapadap, at ang kabuuan ng MPL PH S10 lineup at coaching staff.

Ibibida rin sa S10 Launch Event ng Blacklist ang kanilang latest merchandise kung saan magkakaroon ng tiyansa ang fans na magkaroon ng early access sa swabe at bagong-mintang jerseys na Ghost Mode White at Trouble Moneky Black mula sa BLCKBOX.

Parte ng promotion ng esports brand sa kanilang bagong esports kit na inilabas sa tulong ng mga sikat na artists na sina Quiccs Maiquez at Egg Fiasco, bibigyan ng pagkakataon ang unang 100 buyers ng merch na makipagbatian sa kanilang mga paboritong players!

Bukod dito, may anunsyo rin daw na inihanda ang koponan kasama ang Moonton na siguradong sosorpresa at magpapasaya sa agents.


Manatiling nakaantabay sa mga posts ng ONE Esports Philippines sa Facebook at social media pages ng Blacklist para sa iba pang detalye tungkol sa Blacklist Protocol.

BASAHIN: Magkatuwang daw ang Blacklist International at Moonton para sa design ng M3 skin ni Estes, ayon kay Tryke