Hindi itinago ng beteranong caster at analyst na si Caisam “Wolf” Nopueto na RSG Philippines at ECHO ang dalawa sa teams na sa tingin niya ay pinakaposibleng makapag-uuwi ng kampeonato ng MPL Philippines Season 9. Nailahad ito sa isang eksklusibong panayam kasama ng ONE Esports Philippines kung saan naibahagi din ang power rankings ni Wolf para sa paparating na playoffs.


Playoff Power Rankings ni Wolf para sa MPL PH Season 9

TEAMPLAYOFF POWER RANKINGREGULAR SEASON POWER RANKING
RSG PH13
ECHO24
TNC38
NXPE42
OMG56
ONIC65

Sa playoff power rankings ni Wolf, patuloy na numero uno ang RSG Philippines na nagdomina sa regular season, habang pumangalawa naman ang ECHO na number 3 sa standings. Ayon sa MPL talent, nararamdaman daw niya na oras na muli ito ni RSG PH coach Brian “Panda” Lim para makasungkit ng tropeyo sa MPL.

Aniya, “Panda is a good friend but outside of that, it really feels like it’s his time once again. This time he’s not alone, and Coach G has been amazing and humble and ang saya to be around him.”

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports PH

Bagamat nahulog sa 0-4 lose streak sa huling bahagi ng regular season, nanatiling may tiwala ang Esports talent sa kakayahan ng “Super Team” ng MPL. Banggit niya, “The only reason why ECHO kept losing is when they didn’t adjust too much and played their own game. Latter into the season, I saw them change things, but it wasn’t in full effect.”

Credit: ECHO Philippines

Babala pa ng analyst, “They look scary in the playoffs, kasi who knows baka na-perfect na nila ‘yung kailangang gawin after 18 days of break.”

Nasa dulo naman ng playoff power rankings ni Wolf ang M3 World Championship runner ups na ONIC Philippines. Bagamat hindi umubra ang ECHO sa koponan ni Coach Denver “Yeb” Miranda sa dalawa nilang pagtatagpo, ay “shaky” raw ang tantiya niya sa koponan dati niyang ginabayan bilang analyst.

Credits: Wolf Casts

“Interestingly, yung ECHO lang yung hindi nanalo sa kanila in a series if we’re looking sa teams sa top 6 all throughout the season. When teams prepare against them (RSG, TNC, NXPE) it really looks like they are outmatched. Losses like 2-0 against these teams give me some feeling na when they don’t know what they’re headed to, they look shaky talaga,” paliwanag ng beterano.

Kung ikukumpara ang playoffs power rankings ni Wolf sa kaniyang unang tantiya sa regular season, malaki rin ang pagkakaiba ng placing ng mga teams.


Ito ang mga inaantabayanan ni Wolf sa paparating na MPL PH S9 playoffs

Bukod sa playoff power rankings ni Wolf, inalam din ng ONE Esports Philippines ang mga inaasahan niyang matchups sa paparating na bakbakan. Sa tanong kung anong team head-to-head ang tantiya niyang magpapasabik sa mga miron, mabilis niyang binanggit ang tapatang ECHO at Smart Omega.

Credits: ONE Esports PH

Kuwento niya, “With OMEGA sa playoffs, kakalimutan mo talaga yung regular season. If I were just basing on my true guts, baka ilagay ko pa OMEGA sa taas ng rankings. Pero based lang din sa performance ng kontrahan ng bawat teams, OMEGA belongs there in the middle.”

“Pero kasi, when it’s an OMEGA game, and especially when they face a team na balagbag like ECHO EXPRESS, entertainment will surely happen.”

Nakaantabay din si Wolf sa performances na ipapakita ng dalawa sa kaniyang mga favorite MPL pro players. “Another  one na gusto ko mag-succeed is Benthings. He made a fan out of me. Lastly, gusto ko rin talaga magkaroon na ng trophy si Dlar. Mula pagiging General, sana magka-korona na rin siya. Long time coming for a humble and hardworking kid.”

I-like at i-follow ang Facebook page ng ONE Esports Philippines para sa mga balita tungkol sa MPL, MLBB Guides at marami pang iba!

BASAHIN: MPL PH Season 9 power rankings ng casters at analysts