Matapos iuwi ang MPL KH Season 1 korona, sisimulan na ngayon ng kupunan ng SeeYouSoon ang kanilang kampanya bilang nag-iisang kinatawan ng Cambodia sa MPL Invitational ng ONE Esports.

Hindi magiging madali ang tangka ng Cambodian team sa international na patimpalak dahil kahaharapin nila ang mga beterano ng mga kupunan galing sa Pilipinas at Indonesia.

Gayunpaman, hindi tumitiklop ang SeeYouSoon sa hamong ito. Sa katunayan, naniniwala silang may pakinabang ang pagiging underdog sa isa sa pinakamalaking liga sa Mobile Legends: Bang Bang.


SeeyouSoon Manager na si Prom, nagsalita tungkol sa kanilang underdog status sa MPLI 2021

Credit: ONE Esports

Sa isang eksklusibong panayam kasama ang ONE Esports, ibinahagi ng manager ng SeeYouSoon na si Prom ang mindset ng kaniyang kupunan papunta sa malaking torneyo.

“By being the underdog at MPLI 2021, we feel very happy,” banggit ni Prom. “When they say something like this, it motivates us to take our time and train harder.”

Isiniwalat din ni prom ang mga kupunang gusto niya makalaban sa nasabing tournament. Aniya, “I just want my team to face EVOS Legends and RRQ Hoshi from Indonesia.”


Kampanya ng SeeYouSoon sa MPL KH Season 1

Credit: MPL KH/ Screenshot ni Jules Elona ng ONE Esports

Binigla ng SeeYouSoon ang mga miron sa ginawa nilang pagsakop sa MPL KH Season 1 playoffs. Malinis trinabaho ng kupunan ang upper bracket, kung saan itinumba nila ang paboritong Impunity KH at ang Quantum.

Sa grand finals naman, binago nila ang tadhana ng kumpletuhin nila ang reverse sweep kontra DG Quantum, 3-2, upang hiranging unang kampyon ng MPL KH.

Pagkatapos ng MPLI 2021, ang kupunan ding ito ang kakatawan sa Cambodia sa M3 World Championship na gaganapin ngayong Disyembre.

Ito ay pagsasalin sa sulat ni Jules Elona ng ONE Esports.