Matapos malusutan ng Team SIBOL MLBB sa semifinal round, hindi pinayagan ng Team Singapore na maulit ang pagkabigo kontra Malaysia sa bronze medal match ng 31st Southeast Asian Games (SEAG MLBB Event).

Bagamat pumasok ng underdog ang Singaporeans sa nasabing rubber match, hindi pinayagan ng team veterans na sina SOUL, JPL at Seilah na umuwing luhaan ang kanilang grupo partikular na sa huling mapa na nagdikta ng kinalabasan ng serye.


SGP binigo ang MAS, 2-1 sa bronze medal match ng 31st SEAG MLBB Event

Credit: SEA Games

Ginamit ng SGP ang mahusay na game three para puksain ang pag-asa ng Malaysia na maiuwi ang kanilang bronze medal gantimpala sa nakaraang SEA Games. Bagamat MVP ng nasabing game si Adammir gamit ang Beatrix na may 6/0/4 KDA, malaki ang ginampanan ng mga beterano ng team para bigyang espasyo ang kanilang late game marksman.

Mahusay na Uranus ni SOUL ang pumronta para sa SGP, at kill potential ng Grock ni JPL ang patuloy na gumambala sa mga Malay. Habang sa backlines, pumukol ng long-range damage ang Xavier ni Seilah.

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports PH

Maagang nakakuha ng momentum ang Singapore ng mabaliktad nila ang unang mapa kontra Malaysia. Magilas na Barats ni Remaniscent ang pumalag sa Ling ni Ciku para ikumpas ang tono ng bronze medal match sa SEAG MLBB Event.

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports PH

Ipinakita naman ng Malaysia ang kanilang palag sa ikalawang sultada, kung saan naghari ang offmeta Roger pick ni Ciku na kumuha ng 8 kills at 5 assists kontra sa 3 deaths para itabla ang serye, 1-1.

Sinubukang paganahin muli ng Malaysia ang Roger composition ngunit hindi ito nagbunga sa deciding game dahil muli’t-muling nabigo ang MAS na makuha ang kill sa Uranus ni SOUL na pinokus ng koponan sa early game.

Sundan ang pinakahuling balita tungkol sa SEAG MLBB Event sa pamamagitan ng pagsunod sa Facebook ng ONE Esports Philippines.

BASAHIN: Pilipinas at Indonesia, maghaharap sa grand final ng 31st SEA Games MLBB