Ang mga delegado ng Pilipinas at Indonesia muli ang maglalaban para ma-uwi ang gintong medalya mula sa Mobile Legends: Bang Bang event ng 31st Southeast Asian Games.

Ito ang ikalawang-sunod na pagkakataong maghaharap ang dalawang bansa matapos iselyo ng SIBOL ang gintong medalya noong 2019, unang beses na naging medaled event ang esports sa biennial sporting meet.

Pilipinas at Indonesia, tampok sa gold medal match

Pilipinas at Indonesia, maghaharap sa grand final ng 31st SEA Games MLBB
Credit: ONE Esports

Gaya ng inaasahan ng karamihan, ang dalawang bansa muli ang magtatagisan ng husay para sa pinakamataas na parangal.

Pilipinas at Indonesia, maghaharap sa grand final ng 31st SEA Games MLBB
Credit: SEA Games

Nakatungtong sa grand final ang SIBOL, na binubuo ng mga miyembro ng Blacklist International, matapos nilang pangibabawan ang Group A sa group stage at makawala sa dikit na semifinals kontra Singapore sa final stage.

Tampok sa kampanya ngayon ng SIBOL ang muling pagbabalik sa international competition nina Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna at Danerie James “Wise” Del Rosario. Matatandaang hindi sumabak ang tanyag na duo sa MLBB Professional League Philippines Season 9 para magpahinga.


Roster ng Pilipinas sa 31st SEA Games MLBB

  • Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna
  • Danerie James “Wise” Del Rosario
  • Salic “Hadji” Imam
  • Kyle “Dominic” Soto
  • Lee Howard “Owl” Gonzales
  • Dexter “DEX STAR” Alaba
  • Russel “Eyonz” Usi

Pilipinas at Indonesia, maghaharap sa grand final ng 31st SEA Games MLBB
Credit: SEA Games

Parehong pangingibabaw din ang ginawa ng Indonesia mula sa group stage hanggang sa semifinals para makarating sa gold medal match ng 31st SEA Games MLBB. ‘Di nga lang tulad ng Pilipinas, mas swabe ang naging paglalakbay nila.

Dominante ang mga pinagsama-samang miyembro ng ONIC Esports, EVOS Legends, at RRQ Hoshi sa lahat ng naging panalo nila. Sa katunayan, nakatapak sila sa grand final ng 31st SEA Games MLBB event nang hindi man lang nadudungisan ang kanilang win-loss record.

Roster ng Indonesia sa 31st SEA Games MLBB

  • Rivaldi “R7” Fatah
  • Albert “Alberttt” Neilsen
  • Ihsan “Luminaire” Besari Kusudana
  • Calvin “CW” Winata
  • Calvin “Vynnn”
  • Gilang “S A N Z”
  • Nicky “Kiboy” Fernando

Best-of-five ang format ng gold medal match sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia. Nakatakda itong iraos sa ika-20 ng Mayo, sa ganap na ika-10 ng umaga.

Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa MLBB, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: 31st SEA Games: Esports standings at bilang ng mga medalya