Kasalukuyan ng gumugulong ang Phase 1 ng SIBOL MLBB IESF WE Championships Qualifiers na hihirang sa top teams na sasabak kasama ng mga koponang Blacklist International, RSG Philippines at Smart Omega na binigyan ng imibitasyon ng grupo, Miyerkules ng hapon.

Gugulong ang nasabing qualifiers hanggang July 10. Mula dito, hihirangin ang top 2 teams na kalaunan ay makakasali sa PH Combine na gugulong naman sa July 15-17.

Credit: SIBOL

Bibigyang-daan ng imbitasyon ang posibilidad na makuha ng SIBOL MLBB ang serbisyo ng mga dekalibreng players mula sa M3 World Championship team ng Blacklist, MPL PH Season 9 champions RSG PH at runner ups na Omega.

Karugtong ito ng pagbabago ng proseso ng organisasyon sa pagpili ng players na sasabak sa international patimpalak. Taliwas sa ginawa ng SIBOL MLBB para sa 31st Southeast Asian Games, hindi na team selection ang iiral kundi player selection.


Format ng SIBOL MLBB IESF WE Championships Qualifiers

Credit: Moonton

Parte ang nasabing qualifiers paghahanda sa gaganaping patimpalak ng International Esports Federation na 14th World Esports Championships na gaganapin sa Bali, Indonesia ngayong Disyembre.

May dalawang phases ang qualifiers kung saan magtatapat ang 256 maximum teams sa isang single elimination best-of-1 hanggang matira ang 32 teams.

Maglalaban naman sa best-of-three ang mga teams mula Round 32 para hirangin ang Top 8 na aabante papunta ng Phase 2 Playoffs.

Magkakaroon pa rin ng tiyansa na umangat sa Phase 2 ang mga nakaangat hanggang Round 16 ngunit hindi pinalad makapasok sa Top 8. Paglalabanan nila ang huling 5 slots sa best-of-1 tapatan para kumpletuhin ang 13 available slots para sa Phase 2.

Credit: MSC

Sa Phase 2 Playoffs, isasalang ang 13 teams kasama ng bigating Blacklist, RSG PH at Omega teams sa best-of-three serye, kung saan kukuhanin ang top 2 teams na isasabak naman sa PH Combine sa ika-15 hanggang 17 ng Hulyo.

Ang coach ng mananalo sa qualifiers ang siyang gagabay sa SIBOL MLBB squad na sasabak sa 14th WE Championships.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa huling balita tungkol sa MLBB.

BASAHIN: 3 Pinoy MLBB stars na may potensyal na sumunod kay Kairi sa MPL Indonesia