Pinatunayan ng Bruno performance ni Joshwell “Iy4knu” Manaog ang muling pamamayagpag ng mga Marksman sa MPL PH Season 8 matapos ilapag ng Moonton ang Project NEXT 2021.

Sa nasabing patch Mobile Legends patch 1.6.18, maraming Marksmen ang nakatanggap ng buff at isa na dito si Bruno, na pinalakas ang laning power.

Bruno buffs sa Mobile Legends patch 1.6.18

Bruno ng Mobile Legends: Bang Bang
Credit: Moonton

Narito ang mga changelogs kay Bruno sa pinakahuling MLBB patch:

Basic Attack/Enhanced Basic Attack

  • Pinataas ang range ng Basic Attack

Ultimate: Wave of the World

  • Pinataas ang tinatanggal na Physical Defense ng mga tatamaang kalaban.

Base sa mga nasabing pagbabago, mas mabisa na ngayon si Bruno sa laning stage dahil sa mas mataas na Basic Attack range nito. Mas ligtas na mag-farm ng mga minions dahil hindi na niya kinakailangang lumapit sa wave o lumayo sa turret.

Bukod dito, pinabuti rin ang kakayahan ng hero pagdating sa bakbakan. Mas pinataas pa ang damage output na kanyang mabibigay dahil mas mataas na ang Physical Defense na binabawas ng kanyang ultimate.

Ang Sidelane Bruno build ni Iy4knu ng RSG PH sa MPL PH Season 8

Sidelane Bruno build ni Iy4knu ng RSG
Screenshot ni Maouie Reyes / ONE Esports
  • Swift Boots
  • Berserker’s Fury
  • Endless Battle
  • Windtalker
  • Blades of Despair
  • Silence Robe

Hinirang na MVP and Bruno ni Iy4knu sa ikatlong mapa ng kanilang laban kontra ECHO noong ikalimang linggo ng MPL PH Season 8 Regular Season.

Credit: Moonton

Dahil physical damage output ang bentahe ng nasabing hero, ito ang pinalakas ng naturang Gold Laner para sa kanyang Sidelane Bruno build, kasabay ng Weakness Finder na Marksman Emblem.

Bubuo rin sana ito ng Athena’s Shield bilang defensive item, upang mapahaba ang kanyang buhay sa mga team fight at mapahina ang magic damage output ng kalabang Esmeralda at Cecilion, ngunit natapos na ang laban bago pa niya ito mabili.

Maaaring gawing standard ang Sidelane Bruno build na ‘to ni Iy4knu. Kung may magbabago man, marahil ay ang timing na lang kung kelan dapat bilhin ang mga nakalistang item, depende sa lagay ng lane o draft composition ng kalaban.

Kung magkaroon ng mas maraming physical damage output ang katapat, o kaya’y may mga assassin na kayang-kaya lang lapitan ang marksman, maaaring palitan ng Antique Cuirass ang Sidelane Bruno build na ‘to o ‘di kaya’y Immortality para iwas burst.


Masusubaybayan ang huling dalawang linggo ng MPL PH Season 8 Regular Season sa opisyal na YouTube channel at Facebook page ng MPL Philippines.