Nilabas na ng Moonton Games ang patch 1.8.78 sa Mobile Legends: Bang Bang at isang major highlight ng update na ‘to ang rework sa assasin hero na si Helcurt. 

Nakatanggap ng matinding pagbabago ang assassin hero sa kaniyang mga skills, kasabay ang isang bagong character model at splash art.

Ang kaniyang bagong passive, ang Shadow of Styx, ay hinahayaan siyang pumasok sa Prowler State sa tuwing hindi siya nakikita ng kalaban sa mapa. 

Sa state na ‘to, nakakatanggap siya ng movement speed at patuloy na bumabalik ang kaniyang HP. Sa bawat kill, makakatago siya nang panandalian. 

Ang kaniyang unang skill ay nakaka-terrify ng kalaban sa tuwing natitira sila sa loob ng Prowler State. 

Bagong skills ni Helcurt sa Mobile Legends patch 1.8.78 

MLBB Helcurt
Credit: Moonton Games


Passive – Shadow of Styx 

Nananatili si Helcurt sa kaniyang Prowler State, makakatanggap ng movement speed, at patuloy na bumabalik ang HP hanggang sa makita siya ng kalaban. 

Makakatanggap siya ng extra movement at attack speed nang panandalian kapag nakita. Ang mga enemy hero na mapapatay ni Helcurt ay maglalabas ng isang maitim na ulap na magtatago sa kaniya. 

First skill – Hidden Terror 

Kumukurap si Helcurt sa kaniyang target na lokasyon, at magdudulot ng damage at magpapabagal sa mga kalaban. 

Kapag nasa Prowler State si Helcurt, ma-teterrify ng skill na ‘to ang mga kalaban na natamaan at mabilisan na mababawasan ang kaniyang cooldown. 

Second – Skill – Deadly Stinger 

Tinitira ni Helcurt ang lahat ng nakakamatay na stinger para magdulot ng damage sa mga natamaan na kalaban. 

Makakatanggap siya ng deadly stingers kapag nasa Prowler State o Basic Attacks. 

Ultimate – Dark Knight Falls 

Mababawasan ni Helcurt ang sign range ng lahat ng mga kalaban at makakatanggap ng matinding movement speed boost. 

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa MLBB. 

BASAHIN: Paano magawa ang Harith unli dash sa early game sa Mobile Legends