Binuksan ng RRQ Hoshi ang ikalawang bahagi ng MPL Indonesia Season 9 regular season sa isang 2-0 pasabog kontra Bigetron Alpha sa Day 1 ng Week 5. Hindi itinago ng RRQ goldlaner na si Skylar na susi ang pagpapakawala ng signature picks ng RRQ para sa dominanteng pagpapakita.

Signature picks ng RRQ nagbigay daan sa 2-0 kontra Bigetron

Sa unang laban ng serye, hindi binigyang pansin ng Bigetron ang Yve, Ling at Beatrix na agad namang sinelyo ng RRQ para ipahawak kay Clay, Alberttt at Skylar. Hindi kataka-taka ang nangyari sa nasabing Game 1 dahil inabuso ng mga miyemrbo ng “Kings of Kings” ang kits ng kanilang mga hero papunta sa magilas na 12-4 kill score. 

Credit: MPL ID

Gayundin ang ipinamalas ng RRQ sa second game kung saan si Vynnn naman ang kumamada gamit ang kaniyang Franco na pumuranada sa rotation ng Biegtron at tulungang ipako ang 20-6 landslide kill score.

Dahil dito, umarangkada ang RRQ sa standings kasama aang ONIC Esports at Aura Fire para buuin ang top 3 matapos ang Week 5. Sa kabilang banda, mas pinaliit ng pagkatalo ng Bigetron ang tiyansa nilang makasabak sa playoffs, bagamat posible pa rin silang sumabit kung maiseselyo ang panalo sa mga huling linggo ng regular season.


Mistulang may sumpa daw ang BTR kontra RRQ ani ni Skylar

Credit: MPL ID

Matapos ang mabilis na serye, nakapanayam ng ONE Esports si Skylar sa press conference kung saan ibiniahagi ng batikang goldlaner ang naganap sa laban kontra Bigetron at ang mga rason kung bakit matagumpay ang kaniyang RRQ Hoshi sa matchup.

Aniya, “Maybe it’s just a curse.”. Mababalikan na hindi pa nakakaisa ang Bigetron kontra sa RRQ simula pa noong Week 2 ng MPL ID Season 6.

Bukod dito, sinentro ni Skylar ang diskusyon sa drafting ng Bigetron Alpha na nagbukas ng oportunidad para makuha ang signature picks ng RRQ. “In the last match we were also able to get our signature heroes. So everything is easier for us to win this game,” paglalahad ng pro.

Credit: ONE Esports ID

Sa nasabing drafting, sinubukan namang pigilan ng Bigetron ang RRQ na makuha ang mga picks na alam nilang magpapahirap sa kanila. Gayunpaman, hindi matatawaran ang laki ng hero pool ng bigating katunggali, kaya naman sa huli ay nabuksan pa rin ang signature picks ng RRQ.

Pagsasalin ito sa sulat ni Verdi Hendrawan ng ONE Esports ID.

BASAHIN: 3 rason kung bakit nagbalik ang Franco sa meta ng MPL ID at MPL PH S9