Inamin ni Coach Tony “Ynot” Senedrin ng Smart Omega na ramdam niya ang bigat na dinadala ng rookie jungler ng Blacklist International na si Kent Xavier “KEVIER” Lopez.

Ito ay matapos walisin ng kaniyang koponan ang karibal na team, 2-0 sa Week 8 ng MPL Philippines Season 9 na epektibong pumutol sa pag-asa ng Blacklist na makapasok sa playoffs at depensahan ang kanilang korona.

Simula pa lamang ay malaki na raw pressure kay KEVIER ayon kay Coach Ynot

Screenshots ni Calvin Trilles/ ONE Esports PH

Sa post-match interview, inilahad ni Coach Ynot ang kaganapan matapos ang mainit na bakbakan ng dalawang teams na pinaglabanan ang huling playoff spot. “A while ago nga actually nung nag-end yung game we shook hands with Blacklist. And I really felt nung nakita ko si KEVIER, it was his rookie season tapos nakita ko yung emotion sa kaniya na overwhelmed siya,” ani ng dating esports pro.

Pagtutuloy ng coach-turned-sports psychologist ng Smart Omega, “Kasi yun nga eh, do or die yung match eh. I kinda feel for him kase siyempre coming from a championship team na Blacklist tapos pumalit siya, tapos hindi ganun kaganda yung nangyare.

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports PH

Bukod sa pagdamay kay KEVIER, may panawagan din si Ynot sa mga fans. “It doesnt help if yung mga fans natin, I mean im grateful sa mga fans, without you wala kame, pero please, take it easy with the players some times. They have it so much na kasi eh, just playing for these big organizations eh.”

Buwelta pa niya, “If you support them nung champions sila, support them kahit bagsak sila. Kailangan nila yun. Trust me.”


Late game magic ng Smart Omega tampok sa 2-0 sweep kontra Blacklist

Credit: MPL Philippines

Dalawang late game bakbakan ang inihandog ng magkaribal na team kung saan sa parehong laro ay maagang nakakuha ng kalamangan ang M3 World Champions Blacklist.

Mistulang maganda ang gising ng Blacklsit lalo na sa Game 1 kung saan umabante sila ng hanggang 7.7k gold sa middle game, ngunit isang pick off sa Ling ni KEVIER sa top side ang bumaliktad ng momentum papunta sa panig ng Smart Omega. Isinelyo ng OMG ang Lord objective at itinulak ang lanes kasama ang minions para itala ang Game 1 comeback para durugin ang puso ng Blacklist agents.

Gayundin ang husay na ipinakita ng Smart Omega sa Game 2 na umabot pa halos 30 minuto. Bagamat maagang nakapondo ang Karina ni KEVIER, swabeng Xavier plays ng el kapitan na si Patrick “E2MAX” James Caidic ang pumurnada sa atake ng Blacklist sa late game kung saan mulit’-muling tumama ang kaniyang Dawning Light ultimate para ma-poke ang defending champs.

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports PH

MVP si E2MAX sa nasabing laro dala ng kaniyang mahusay na 7/4/6 KDA. Dahil sa panalo, kukumpletuhin na ng Smart Omega at Nexplay EVOS ang pinakahuling spots para sa postseason.

Sundan ang pinakahuling balita tungkol sa MPL sa pamamagitan ng pagsunod sa Facebook ng ONE Esports Philippines.

BASAHIN: Nexplay EVOS bigong makapuntos sa TNC para maselyo agad ang playoff spot