Matapos magningning sa Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup 2022 (MSC 2022), pinatunayan ni Dylan “Light” Catipon na isa na siya sa pinakamagigiglas na roma players sa mundo.

Sa naturang tournament, hindi napigilan ang kaniyang Franco na patuloy na nagbigay ng kalamangan sa kaniyang team sa positioning at initations. Ginamit ng MPL PH Season 9 regular season MVP ang hero ng pitong beses, at sa makailang ulit na ginamit niya ito ay isang beses lamang ito nagapi.

Credit: MSC

Sa isang eksklusibong panayam kasama ang ONE Esports, ipinaliwanag ni Light kung bakit umaariba ang tank sa meta ngayon, at kung paano maging mahusay na Franco player.


Bakit high-priority pick ang Franco sa MSC 2022?

Isa ang Franco sa most-picked at most successful heroes sa naganap na MSC 2022. Sa 73 total games na naisalang ang hero sa torneo, 24 ulit itong nakuha sa draft, at 19 na beses naman itong nanalo. Kung susumahin, 79.1% ang win rate ng sixth most-used hero sa MSC.

Credit: Moonton

May dalawang rason kung bakit ito ay itinuturing na isa sa mga pinakamalalakas na tanks sa meta ayon sa 19-anyos na roamer.

“Yung pag-rotate niya sa map, isa na ‘yon, kasi dahil sa passive and sa boots. Then ‘yung pickoff potential niya sobrang bilis… sobrang ganda niyang i-mix sa mga burst heroes,” paliwanag ni Light.

Ang passive ng hero na Wasteland Force ay nagbibigay ng adisyunal na movement speed, HP regeneration at damage sa susunod niyang skill kung walang nakuhang damage ang Franco sa loob ng limang segundo. Bukod dito, hindi matatawaran ang bilis ng movement speed ng tank lalo na kapag nabuuan ng Rapid Boots na may Conceal Blessing.

Ang pagsikat ng Beatrix at iba pang burst heroes sa meta ay isa ding rason kung bakit mahigpit ang labanan sa pagkuha ng Franco sa draft. Kung paparisan ng isang burst hero, isang tagumpay lamang na Iron Hook ay madaling mapunit ang nabunot na kalaban.

“Dagdag na rin ‘yung delay sa buff, which is ngayon alam na ng mga team ‘yon kaya hindi na masyadong gumagana,” dagdag ng pro na tubong Naic.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Franco Iron Hook settings para sa mas madali itong mapatama