Bihira na kumukuha ang pro Mobile Legends teams ng mga players na walang kahit anong background sa high-level play. Sa katunayan, si Facehugger lamang ng Aura Fire ang bukod-tangi na manlalaro na mabibilang dito at taliwas sa inaasahan ng iba, malaking tulong ang nagagawa ng pro sa arangkada ng koponan ngayon.

Maituturing na bagong-salta si Facehugger sa MOBA game ng Moonton noong ipinasok siya ng Aura Fire sa lineup sa dulo ng MPL Indonesia Season 7. Ngunit hindi matagal ang inantay ng team para makita ang epekto ng move na ito. 

Kung isa sa mga middle of the pack teams ang Aura Fire noong MPL ID Season 5 hanggang Season 7, malaki ang kaibahan ng koponan ngayon na isa sa mga inaasahang title contenders pagdako ng playoffs sa Season 9.


Malaking desisyon ang pagpasok ni Facehugger sa Aura Fire roster

Credit: MPL ID

Ang pagbulusok ng Aura Fire ay resulta ng isang mahabang proseso, kaakibat ng malalaking desisyon na ginawa ng management ng team para maiangat ang koponan sa rurok ng potensiyal nito.

Hindi lamang sa magandang individual performances ng mga players ang dahilan kung bakit nagbabaga ang Aura ngayong season. Malaking parte ng tagumpay na natatamo ng koponan ang pagpasok ni Facehugger. 

Bagamat malaking sugal ang pagsasalang ng player na walang kahit anong experience sa paglalaro ng high-level Mobile Legends, pinupunan ni Facehugger ito ng kaniyang maturity at abilidad na mapaamo ang kaniyang teammates para tulungan silang lusutan ang anumang pagsubok na dinadaanan nila.

Credit: Reza Pahlevi

“Aura’s problem was resolved after we thought that this team needed more than one experienced player. At that time I gambled by entering Facehugger in week 7 Season 7, even though at that time he had not played Mobile Legends for three months,” banggit ng Aura Fire coach na si Reza Pahlevi, sa ONE Esports.

“It’s like in Season 7, we were playing with four people and Facehugger was like playing chess, ordering other players here and there. It was only after Season 7 that Facehugger honed his mechanics and became the player he is today,” dagdag pa niya.

Sa madaling sabi, isinabak ang 24-anyos na pro hindi dahil sa kaniyang micro-mechanics o shot calls in-game, kundi sa kaniyang malawak na karanasan sa ibang MOBA games na binubunuot niya kapag hinihingi ng pagkakataon.


Mediator si Facehugger ng dalawang alpha males ng Aura Fire

Credit: MPL ID

Bukod sa pagmamando sa Aura Fire players sa laro, malaki ring ambag ni Facehugger ang abilidad niyang mapatimo ang ego ng dalawang beterano pang players na sina High at God1va.

Kuya-kuyahan ang midlaner para sa ibang miyembro ng Aura, at nirerespeto ang kaniyang mga suhestyon hindi lamang in-game kundi sa labas ng laro.

“Aura has four young players who in terms of mechanics, they can compete. But nothing can unite the brains of the four of them,” kuwento ni Reza.

“Moreover, we have two alphas on the team, High and God1va, where once they have an argument, no one wants to budge. But Facehugger can always find a middle ground and they both agree.”

Kaya naman walang nagsisisi ng sumugal ang team na kuhanin ang beteranong pro, at makikita ito sa mga numero. Sa pagtatapos ng Week 5 ng MPL ID Season 9 aytop 3 ang Aura, at inaasahang isa sa mga teams na mag-uuwi ng kampeonato sa pagtatapos ng season.

Ito ay pagsasalin sa sulat ni Verdi Hendrawan ng ONE Esports ID.

BASAHIN: 5 most picked heroes sa MPL ID Season 9