Malaking pagbabago ang nakapaloob sa kagugulong lamang na MLBB Patch 1.6.66 lalo pa’t nasa kalagitnaan na ang kampanya ng mga teams sa regular season ng MPL Philippines Season 9 gayundin sa MPL Indonesia Season 9.
Ngayong kaakibat na ang hero at in-game adjustments sa pagpasok ng Week 6 ng nasabing mga torneo, minarapat ng ONE Esports Philippines na sumangguni sa utak ng M3 World Champion Coach na si Kristoffer “BON CHAN” Ricaplaza ng Blacklist International upang alamin ang kaniyang mga impresyon sa nasabing update.
Magiging “action-packed” daw ang early game sa MLBB patch na ito ayon kay Coach BON CHAN

Agad na ipinunto ni BON CHAN ang laki ng adjustments sa mga tank heroes sa pinakahuling MLBB patch at “Tank meta” raw ang mananaig sa mga susunod na linggo ng MPL. Kasabay ito ng mga buffs na ibinigay sa mga heroes tulad na lamang nina Hilda, Masha, Belerick at Grock.
Inamin din ng Blacklist coach na alinsunod sa adjustment sa tank heroes ay mababawasan naman ang lakas ng assassin heroes sa meta. “That means assassin’s effectivity will go down because of less possible pick off chance dahil lahat makunat,” paliwanag niya.
Tungkol naman sa epekto ng in-game adjustments, inaasahan ng bantog na mentor na malaki ang mababago sa strategies ng mga teams lalo na sa early game. “More action-packed clashes dahil mag-lelevel 4 na ng mabilis ang mga roamer.”

Hindi rin itinago ng back-to-back MPL championship coach ang tank hero na Grock ang nag-standout para sa kaniya sa listahan ng mga heroes na nabigyan ng buffs.
Papabor daw ang MLBB patch na ito sa teams na gumagamit ng utility heroes

Ibiniahagi rin ni Coach BON CHAN ang kaniyang saloobin kung sino ang mga teams na papaburan ng pinakahuling update. Ayon sa beterano, “those team na may kaya mag utility jungler at kaya gumamit ng exp lane tank” ang aarangkada sa mga pagbabagong inilatag sa patch.
Kasama sa listahan niya ang mga teams na RSG Philippines, ONIC Esports (ID) at Aura Fire (ID) sa mga teams na masasamantala ang changes. Hindi naman itinanggi ng Blacklist coach na nasa proseso pa lamang ng testing ang kaniyang koponan.
“Lahat ng nakakalaban namin team nasa adjustment period pa din including us.”
Mga eksklusibong panayam ba ng pro players at coaches ang hanap mo? Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para dito.
BASAHIN: 3 meta heroes sa MLBB na hindi basta-basta mapapalitan