Nabawasan na ang mga manlalaro sa playing field. Anim na lamang ang natitirang teams na aabante sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season 10 (MPL ID Season 10) playoffs, kung saan magtutuos sila para sa pagkakataon maging kinatawan ng kanilang rehiyon sa M4 World Championship.

Sa pamumuno ng Filipino import na si Kairi “Kairi” Rayosdelsol, nagtapos ang ONIC Esports sa regular season na nasa unang pwesto na may nakakabilib na 11-3 record, na sinusundan naman ng defending champion na RRQ Hoshi at Alter Ego.

At matapos ang mabagal na simula sa season na ito, nakakuha ang Rebellion Zion ng isang three-game win streak sa ikalawang bahagi upang makapasok sa playoffs, ang unang beses na nakaabante sila mula nung sumali sila sa liga noong Season 8.

Mas malaki ang nakataya sa pagkakataong ito. Ang M4 ay gaganapin sa Indonesia sa susunod na taon, at ang lahat nang mga teams ay umaasa na maitaas ang tropeyo sa kanilang sariling lupa.

Mga teams na nakapasok sa MPL ID Season 10 playoffs

MPL ID S9 champions RRQ Hoshi joining MPL ID Season 10 playoffs
Credit: ONE Esports
TEAMMATCH SCOREAGGREGATE POINTS
ONIC Esports11 — 3+12
RRQ Hoshi9 — 5+4
Alter Ego7 — 7+1
Bigetron Alpha7 — 7-1
Rebellion Zion6 — 8-2
Aura Fire6 — 8-3

Ang playoffs ay magsisimula sa October 19 at magkakaroon ng isang double-elimination format na magsisimula sa ikalawang round.

Sa unang round, ang mga teams na nasa ikatlo hanggang ikaanim na seeds ay maglalaban sa isang single-elimination game. Ang una at ikalawang seeds naman ay maghihintay sa ikalawang round.

Ang lahat nang mga matches ay magkakaroon ng best-of-five format, maliban sa grand final na magiging best-of-seven.

Maliban sa pinag-aagawang M4 slot, ang mananalo ay makakatanggap din ng malaking bahagi ng US$300,000 prize pool.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.