Ni-leak ng data miner at YouTube channel owner na si Hero-Pofa ang dalawa pang miyembro na sasali sa The Aspirants sa Mobile Legends: Bang Bang. Dagdag pa rito, ibinunyag din niya ang pinakabagong Faramis skin.

Sa pamamagitan ng isang video sa kanyang YouTube channel, inilahad ni Hero-Pofa na magiging miyembro rin ng The Aspirants kasama nila Layla at Fanny sina Angela at Ruby. Magkakaroon din sila ng anime-themed skins.

The Aspirants MLBB
Credit: Moonton

Gayunpaman, wala pang nakikitang The Aspirants skins para kila Angela at Ruby. Puro concept art at keywords pa lang ang nailalahad.

Noong ni-release ang Aspirants skins para kila Layla at Fanny, naglabas din ang Moonton ng limited edition NFT (non-fungible token) mystery box kung saan makakakuha ng naturang anime-themed skin at iba pang assets.


Overview ng The Aspirants skins nila Angela at Ruby

Ang Angela skin may cute na disenyo. Base sa concept art, kinokontrol siya ng isang maliit na manika na kahawig niya. Ayon kay Hero-Pofa, ang skin na ito may keywords na Guardian, Anime, Faith, Protection at Belief.

Para sa Ruby skin, mayroon siyang mechanical blindfold at sickle weapon na malupit habang ang suot naman niya ay mula sa Japanese anime. Ang skin ay may keywords na keywords Mecha, Anime, Freedom, Resolve at Musical Note.

Wala pang kumpirmasyon mula sa Moonton kung ito nga talaga ang lalabas na bago sa The Aspirants skin line. Dahil sa dami ng events na dadating sa MLBB, maaaring matagalan pa bago makita ang skins na ito sa Land of Dawn.


Na-leak din ang isang Faramis skin

Credit: YouTube/Hero-Pofa

Bukod sa bagong The Aspirants skins, ibinunyag din ni Hero-Pofa ang bagong Faramis skin na may pangalang Royal Magus at mapapabilang sa Elite category.

Gayunpaman, wala pang art work, concept art o kahit profile picture ang natuirang skin. Ibig sabihin nito, ginagawa pa ang skin at matagal pa bago ma-release. Pero mukhang sigurado naman na makikita ito ng MLBB community lalo pa’t marami ang nagbabanggit nito.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines Facebook page para sa MLBB at MPL updates.


Hango ito sa artikulo ni Verdi Hendrawan ng ONE Esports Indonesia.