Excited ang mga manlalaro nang ilabas ang Mobile Legends: Bang Bang patch 1.6.94 dahil sa wakas ay nabigyan na sila Vexana at Faramis, na matagal nang wala sa meta, ng kinakailangang revamp.

Subalit hindi nangyari ang inasahan nang mai-release ang patch noong nakaraang buwan. Parehong may mas mababa sa 50% win rate sila Vexana at Faramis sa lahat ng ranks, ayon sa MLBB stats. Sa kabila ng mabilis na pagtaas ng pick rate ng heroes ng Necrokeep sa unang linggo, mas bihira na silang makita sa mga laro ngayon.

Dahil nag-a-underperform sila Vexana at Faramis, napagpasyahan ng Moonton na bigyan sila ng adjustments na maaaring magpalakas ng kanilang win rate.


Buffs kila Vexana at Faramis sa MLBB patch 1.6.94 balance adjustment update

Vexana
Credit: Moonton

Passive – Nether Touch

  • Pinataas ang damage mula 170-450 + 40% magic power patungong 220-500 + 60% magic power

Skill 1 – Deathly Grasp

  • Pinataas ang explosion damage mula 120-220 + 40% magic power to 200-300 + 60% magic power (same as initial damage)

Ultimate – Eternal Guard

  • 8% ng max HP ng target idinagdag sa basic attack damage ng Undead Knight
  • Dinagdagan ang movement speed at attack speed ng Undead Knight

Faramis

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports PH

Skill 1 – Shadow Stampede

  • Binawasan ang cooldown mula 20-15 seconds pababa sa 15 seconds sa lahat ng levels

Skill 2 – Ghost Bursters

  • Pinataas ang initial damage mula 285-410 + 125% magic power patungong 330-480 + 144% magic power
  • Pinataas ang subsequent damage mula 175-250 + 65% magic power patungong 200-300 + 72% magic power

Ultimate – Cult Altar

  • Pinataas ang base extra HP mula 400-700 patungong 900-1100
  • Inayos ang isyu kung saan ang skill na ito ay hindi ma-trigger ang Favor mula sa roaming blessing

Ang pinakamalaking pagbabago kay Vexana sa rollout na ito ay ang kanyang ultimate na Eternal Guard. Noong una, madali lang matakbuhan ang kanyang Undead Knight. Madali lang din maiwasan ang attack animation nito. Nabigyan ngayon ng fighting chance ang Undead Knight dulot ng karagdagang attack at movement speed.

Nakatanggap din ng malaking improvement si Faramis sa kanyang ultimate na Cult Altar. Nagbibigay na ito ngayon sa mga kakampi ng extra 400 HP sa max level kasama pa ang resurrection.

Para sa MLBB news, guides at highlights, maaari niyong i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Ito’y pagsasalin ng akda ni Jules Elona ng ONE Esports.