Isa ang Vexana sa mga heroes na binigyan ng malaking pagbabago sa paggulong ng Mobile Legends: Bang Bang patch 1.6.94. Bunga ito ng pagkakaroon ng mage ng lowest pick rate ayon sa inilabas na datos ng MLBB stats, kasama na din ang hindi nito pagpapakita sa competitive play.
Ngunit dahil sa Rise of the Necrokeep patch, makabago na ang kit ng hero bukod sa preskong character model niya. Mula sa nakakatakot na demon queen na hitsura ay kahali-halina ang bagong mukha ni Vexana na nakadagdag sa kaniyang appeal sa laro.
Gayunpaman, kinakalangan ng pasensya kung gustong ma-master ang hero dahil karamihan sa kaniyang skills ay maiuuri bilang skill shots. Alamin ang mga detalyeng dapat mong malaman kung paano gamitin ang Vexana sa beginner’s guide na ito, kasama na ang recommended emblems, battle spells at best builds para sa kaniya.
Skills ni Vexana sa MLBB
Passive – Nether Touch
Ang mga kalabang tatamaan ni Vexana o ng kaniyang Undead Knight ay sasabog kapag namatay ang mga ito.
- Tatagal ng curse ng limang segundo at ang affected targets ay magpapakawala ng magic damage sa paligid nila kapag namatay.
- Ang bawat basic attack at skill ni Vexana ay maglalagay ng curse sa heroes, minions at jungle monsters.
- Malaking tulong ang passive niya para mag-clear ng waves sa laning phase. Minam na i-maximize ito at siguraduhing tuloy-tuloy ang pagpataw ng curse sa minions sa wave para mas mataas ang tiyansang makakuha ng last hit gold bonus.
- I-spam ang Cursed Blast para mapuwersa ang katapat na midlaner na lumay sa creep wave. Ang explosion mula sa passive ay babawas ng 170 base damage sa unang level, at mag-iistack kapag nakapatay ng multiple targets ng sabay-sabay. Ang targets na masasabugan ay malalagyan din ng curse.
Skill 1 – Deathly Grasp
Papakawalan ni Vexana ang Phantom Claw na may terrify effect sa unang kalabang tatamaan nito. Sasabog ang Phantom Power sa lokasyon ng enemy hero at magbibigay ng damage sa mga kalabang malapit dito, kasabay pa ng isa pang terrify effect.
- Magandang initiation skill ang Dethly Grasp pero kailangang magamay ito ng player dahil maliin ang hitbox at mabagal ang animation speed nito. Siguraduhing mag-cacast sa areas na pupunta ang hero at iwasan ang auto-casting para hindi magmintis.
- Subukang i-cast ang skill kapag kumpol-kumpol ang mga kalabang heroes dahil magiging epektibo dito ang Phantom Power at magkakaroon ng terrify effect sa kalaban.
- Magandang bush-check skill ito.
- Gamitin ang Deathly Grasp para mang-harass sa lane, dahil kaya nitong tumagos sa mga minions.
Skill 2 – Cursed Blast
Pagkaraan ng maigsing delay, papakawalan ni Vexana sa siang target area ang isang Nether Energy blast na may kargang damage.
- Ito ang pinakamagandang laning skill ni Vexana kaya mainam na unahin itong i-max out.
- Ang mga kalabang nasa area of effect nito ay maapektuhan ng slow effect bago ito sumabog, kaya unang i-cast ang Cursed Blast bago ang Deathyl Grasp.
- Malalagyan ng curse ang lahat ng nasa loob ng circle, kaya naman epektibo itong pang-clear ng wave sa level one. I-spam ito hangga’t maaari sa laning phase.
Ultimate – Eternal Guard
I-susummon ni Vexana ang kaniyang Undead Knight sa isang target location. May kargang damage ito sa mga kalabang tatamaan kasabay pa ng knock up effect. Sasamahan ng Undead Knight ang Vexana sa battlefield hanggang mag-expire ang duration.
- Tatagal ang knock up effect ng 0.8 seconds.
- Tatagal naman ang Undead Knight ng hanggang 15 segundo sa battlefield. Random units ang aatakihin nito ngunit priority target nito ang enemy heroes.
- Mananatili sa battlefield ang Undead Knight kahit pa mamatay ang Vexana at patuloy na hahabol sa targets hanggang lumipas ang 15 segundo, liban na lamang kung ito ay mapapatay.
- Mag-teteleport ito sa likod ng hero kung lalabas sa range.
Paano maglaro gamit ang Vexana sa MLBB
Recommended Battle Spell

Magandang opsyon ang Flicker o Sprint para sa Vex dahil limitado ang kaniyang mobility. Mainam ang Flicker sa mga crowd control-heavy team compositions habang ang Sprint naman ay swabe kontra sa melee heroes at team compositions na hindi masyadong pokus ang crowd control.
Maaari ding kumuha ng Flameshot kung gustong maging agresibo sa early game. Gayunpaman, wala ito masyadong epekto sa late game kung damage ang pag-uusapan dahil may kakayahan na mang-burst ang hero gamit ang skills.
Recommended emblem set

Swabe ang Impure Rage para sa mage dahil may kargang extra magic damage ito sa bawat skill na papakawalan. 4% ng HP ng kalabang hero ang karagdagang magic damage, katuwang pa ng 2% mx mana regen sa bawat dalawang segundo.
Maganda rin ang scaling nito sa damage ni Vexana, at kaya nito gawing mas mapanganib ang mage lalo na kung nabuo na ang lahat ng magic items na kailangan.
Ang Mystery Shop na nasa ilalim din ng mage emblem tree, ay isa pang magandang opsyon kung nais na makuha ang core items ng maaga. Malaking bagay ang 10% reduced cost sa items partikular na sa pagkakataong nakakakuha ng early kills.
Best build

Prayoridad ang cooldown reduction at magic damage items para sa revamped hero. Magandang simulan ang item build sa Clock of Destiny dahil binibigyan nito ang Vexana ng survivability dala ng extra HP at mana boost na magbibigay daan para mas tumagal sa lane at makapag-spam ng skills.
Maaari ding puntahan ang Enchanted Talisman ruta para makuha ang mana regen passive.
Pagkatapos nito, puwede ng kumuha ng magic damage items tulad ng Lightning Truncheon o di kaya naman ay Holy Crystal kung malaki na ang kalamangan ng team sa laro. Kung naghahabol naman, magandang konsiderasyon ang Ice Queen Wand o Winter Truncheon para sa karagdagang survivability.
I-lock ang item build gamit ang Blood Wings o Immortality, depende sa sitwasyon. Bilang main damage dealer ng team, mainam ang Blood Wings. Pero kung extra late game na, magandang buuan na ng Immortality ang hero.
Recommended item build for Vexana in Mobile Legends
- Arcane Boots
- Clock of Destiny
- Winter Truncheon
- Holy Crystal
- Divine Glaive
- Blood Wings/ Immortality
Best combos para sa Vexana
Sa laning phase, magandang puruhan na agad ang kalabang midlaner sa pamamagitan ng Nether Blast at Deathly Grasp combo. Kapag nakarating na sa level four, maaari ng simulang mag-gank sa side lanes para mabigyan ng kalamangan ang EXP o ang gold laner ng team.
Unahin ang Nether Grasp sa mga kalaban na may mobility skills bago i-cast ang Nether Blast.
Sa team fights naman, unahin ang Nether Blast, Eternal Guard at sundan ang Deathly Grasp sa mga pupulas na kalaban. Ang knockdown effect ng Eternal Guard ay tatagal lamang ng 0.8 seconds kaya naman may tiyansa pa din ang kalaban na makapag-Flicker palayo. Kaya naman maganda ring parisan ang mage hero ng crowd control roamers tulad ng Atlas at Tigreal.
Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang hero guides sa MLBB!
BASAHIN: Jungle Rafaela? Ganito pinagana ni MobaZane ang support pick bilang jungler sa ranked game