Hindi matawaran ang tuwa at ngiti ng anime-loving fans ng Mobile Legends: Bang Bang dala ng nakamamanghang The Aspirants skin line.
Bilang selebrasyon sa paglabas ng The Aspirants, inihandog ng Moonton ang Cinematic Trailer na “We Believe” tampok ang dalawa sa pinakatanyag na musicians sa anime industry na sian Yoshino Nanjo at Yasuharu Takanashi.
Bida sa anime cinematic na “We Believe” ang stars na sina Yoshino Nanjo at Yasuharu Takanashi

Patok sa mga Mobile Legends fans ang ‘We Believe’ cinematic na kinabidahan ng tambalan ng Japanese voice actor na si Yoshino Nanjo at composer na si Yasuharu Takanashi.
Swabe ang kinalabasan ng kombinasyon ng magilas na vocals ni Yoshino at magaling na music arrangement ni Yasuharu na inihalintulad pa ng ibang fans sa opening theme ng isang anime series.
“It’s been a real pleasure working with Moonton on the new theme song “We Believe” for Mobile Legends: Bang Bang,” ani ni Yasuharu Takanashi.
Kilala si Takanashi sa larangan dahil siya rin ang tao sa likod ng mga OSTs ng mga tanyag na anime shows tulad ng Naruto Shippuden, Fairy Tail at Sailor Moon Crystal.
Bukod sa epic soundtrack, nakabibighani din ang pagkakalatag ng visuals ng cinematic tampok ang The Aspirants skins na Miss Hikari Layla at Blade of Kibou Fanny. Sa cinematic, ipinakitang nakikipagbakbakan ang dalawa kontra sa ilang Enders habang binabalanse ang kanilang school life.
Maaaring mapanood ng fans ang kabuuan ng music video sa opisyal na Youtube channel ng laro.
Ang The Aspirants anime skins sa Mobile Legends

Ang bagong skin line sa Mobile Legends ay base sa mechani anime shows. Sa nasabing linya, sina Layla at Fanny, dalawa sa pinakasikat na heroes sa laro ay nabiyayaan ng robotic features na iginuhit gamit ang anime art style.
Mapapanganga ang mga fans sa Miss Hikari Layla skin tampok si Layla na my itim na dress na swabe ang kombinasyon sa kaniyang puting robotic na mga braso at binti. Kaparehas nito ang colorway na mayroon ang Blade of Kibou Fanny na may black at white na jumpsuit.

Ang Miss Hikari Layla ay binosesan ni Yoshino Nanjo, isang Japanese voice actress na nagbigay-buhay kay Eli Ayase ng Love Life! School Idol Project habang si Nana Mizuki naman ang gumanbap nilang Blade of Kibou Fanny. Siya din ang bumoses kay Hinata Hyuga ng Naruto Franchise.
Maaaring makuha in-game ang Miss Hikari Layla at Blade of Kibou Fanny hanggang February 25 sa draw event.
Huwag kalimutang sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook!
BASAHIN: Sino si Nana Mizuki? Kilalanin ang Blade of Kibou Fanny voice actor