Lumabas na ang resulta ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Invitational 2023 group draw (MPLI 2023 group draw).  

Ang unang dalawang teams sa bawat bracket ay napagpasyahan sa pamamagitan ng isang fan vote noong Nobyembre 3 hanggang 6. Kasunod niyan, ang natirang dalawang teams sa bawat bracket ay napili nang random.  

Heto ang resulta ng MPLI 2023 group draw. 



 
Ang kumpletong MPLI 2023 group draw bracket 

MLBB MPLI group draw
Credit: ONE Esports
GROUP A GROUP B GROUP C GROUP D 
AP Bren Blacklist International ECHO See You Soon 
Nova Esports Geek Fam EVOS Legends RRQ 
TheOhioBrothers Team Falcons Bigetron Alpha Team Flash 
Dewa United HomeBois Rebellion Zion RSG PH 

Sa group stage, maglalaro ang mga teams sa isang best-of-one, round-robin format, para masiguradong makakaharap nila ang bawat team kahit isang beses lamang.  

Pagkatapos ng group stge, ang top team mula sa bawat grupo ay papasok sa upper bracket ng playoffs, habang ang pangalawang-ranggo na team ay lalahok sa lower bracket. 

Ang dalawang ranked teams sa kaniya-kaniyang grupo ay matatanggal.  

Susunod ang playoff stage sa isang double-elimination format, at lahat ng matches ay best-of-three, maliban nalang sa grand final na magiging best-of-five para makoronahan ang ultimate champion.  

Naka-schedule ang group stage para sa Nobyembre 15-16, habang ang playoffs ay gaganapin sa Nobyembre 17-19 sa GBK Basketball Hall, Jakarata, Indonesia. 

Available ang tickets sa KiosTix

I-like at I-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa MPLI. 

BASAHIN: Manalo ng hanggang 4,000 MLBB Diamonds sa ONE Esports MPLI 2023 Pick ‘Em Challenge