Karga ni Nolan ang isa sa pinakamasasakit na skill combos sa Mobile Legends: Bang Bang. Kaya naman, ganoon na lamang pinag-aagawan sa draft ang assassin mapa-ranked games o pro play.

Isang kombinasyon lang ng Cosmic Leap, Expansion at Gauge niya ay siguradong mapapangiwi sa sakit ang kalaban. Samantala, kaya din niyang makawala at maka-reposition sa gitna ng labanan.

Kailangan mo ng fast fingers para gamitin si Nolan sa MLBB

Ang kakayahang ito ang rason kung bakit napakabisa niyang pick sa agresibo at high-tempo na team compositions.

Bagamat kaya niyang dumomina ng laro gamit ang kaniyang skills, nakakamit niya ang pinakamalakas niyang porma kapag mabubuuan mo siya ng tamang items.

Ang 3 best items para kay Nolan sa Mobile Legends

Blade of the Heptaseas

Mobile Legends: Bang Bang attack item Blade of the Heptaseas
Credit: ONE Esports

Walang makakaparis sa Blade of Heptaseas sa pagpapalakas ng kill potential ni Nolan sa laro.

Ang unique passive kasi nito na Ambush ay halos kaparehas ng passive ni Nolan na Cosmic Leap kung saan magpapakawala siya ng Enhanced Basic Attack kapag hindi siya nakakatanggap ng damage ng ilang segundo.

Sa madaling sabi, magsasabay ang passive effect ng hero at ng item kapag inatake ang kalaban ng Basic Attack.

PALAWAKIN ANG KAALAMAN UKOL SA MLBB ATTACK ITEMS GAMIT ANG AMING GUIDES
Divine Glaive o Genius Wand? Kailan mo dapat bilhin ang 2 magic penetration items na ‘to sa MLBB
War Axe vs Hunter Strike: Ano ang dapat bilhin sa 2 physical penetration items na ito sa MLBB

Bukod nito, may karagdagan ding Physical Attack at Physical Penetration ang item kaya naman kaya nitong tulungan ang hero na mag-snowball. May extra HP din na matatanggap para matulungan siyang makatagal sa labanan.

Hunter Strike

Mobile Legends: Bang Bang attack item Hunter Strike
Credit: ONE Esports

Paigtingin ang damage ng Cosmic Wayfinder sa pamamagitan ng pagkuha sa Hunter Strike.

Swabe ang epekto nito kasama ang Blade of the Heptaseas dahil mas malakas ang damage output na kayang mapakawalan kapag nabuo na ito. Bunga ito ng adisyunal na Physical Peneteration at Physical Attack n amula sa item.

Liban sa stats, maganda rin ang epekto ng passive nito na Retribution kung saan makakakauha ng extra Movement Speed ang hero kapag nakapagpakawala ng damage laban sa creeps o kalabang hero ng ilang ulit.

Malefic Roar

Mobile Legends: Bang Bang attack item Malefic Roar
Credit: ONE Esports

Siguradong susubukan ng kalabang heroes na palakasin ang kanilang Physical Defense pagdako ng midgame para makontra ang damage ni Nolan. Pero hindi ito problema kung bubuuan ang assassin ng Malefic Roar.

Hindi lamang Physical Attack ang karga ng item na ito. Pambihira din ang dagdag nitong Physical Peneteration na kayang palambutin kahit na ang heroes na may matatataas na Physical Armor.

ALAMIN ANG IBA’T-IBANG MLBB DEFENSIVE ITEMS
Athena’s Shield o Radiant Armor? Alamin kung ano ang dapat bilhin na item in-game at kailan
Blade Armor o Antique Cuirass: Alin ang mas mahusay na physical defense item?

Swabe din ang epekto ng passive ng item na Armor Buster kung saan bawat point ng Physical Defense ng kalaban ay makatatanggap ang hero na may hawak sa item ng extra percentage ng Physical Penetration.

Sa madaling sabi, kapag mas mabilis na makakabuo ng offensive equipmenta ng Nolan, mas mataas ang tiyansa na madomina niya ang laro. 

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Pigilan si Nolan gamit ang 3 best counters na ‘to