Kilala ang RRQ Hoshi bilang isa sa mga koponan sa MPL Indonesia na nanatili sa kanilang matikas na porma sa bawat season ng liga. Gayundin ang tindig na ipinamalas ng King of Kings sa unang dalawang linggo ng regular season kung saan nangibabaw sila sa standings.

Ngunit pagdako ng week 3 ay mistulang nabalahaw sa putikan ang top team nang magapi sila ng dalawang magkasunod na matches. Inasahan ng mga miron na mapapagtagumpayan ng defeinding champions ang tapatan kontra EVOS Legends. Gayunpaman, nanaig sa El Clasico ang White Tigers sa malinis na 2-0 sweep.

Credit: ONE Esports

Mas nagulantang ang fans ng koponan ng puguin sila ng Rebellion Zion sa isa muling sweep. Nagbunga ito ng pag-ulan ng mga komento mula sa madla, partikular na sa isa sa mga popular na personalidad tulad ni Tuturu na dating bumandera sa bantog na esports org.


Mental breakdown daw ang naganap sa RRQ Hoshi banggit ni Tuturu

Credit: Tuturu

Sa isang live stream, hindi itinago ni Tuturu ang kaniyang opinyon tungkol sa naganap sa Week 3 para sa hanay ng RRQ Hoshi. Wika niya sa Bahasa, “When your roster is the same and loses to a new team, the mentality will be depressing, the mentality will be even more hit. I swear I’m not lying,”

“Mental defeat is already there. They can say on IG: We’ll comeback stronger, we’ll try our best, but inside the kokoro (heart) is already torn apart. I’ve felt it before,” paliwanag pa ng beterano.

Bukod dito, hindi rin daw makagawa ng sariling META ang koponan at nagbabase masyado sa galaw na mayroon sa eksena sa Pilipinas.

“RRQ Hoshi’s draft pick is just like that, why? Because they are copycats from the Philippines. The bad thing is that RRQ’s coach, he can’t make his own META, it’s just an adaptation from the Philippines,” pagpapalawig ni Tuturu.

Credit: ONE Esports

Mas kapanapanabik din daw ang inilalabas na galaw mula sa Aura Fire ni Tezet at EVOS Legends ni Zeys. Paliwanag niya, “They are smart and can adapt quickly. They don’t need to follow the META of the Philippines.”

“Good coaches are those who adapt quickly. So you can’t really blame the draft pick.”

Malaking palaisipan daw sa kaniya kung paano at bakit natalo ang RRQ Hoshi sa Rebellion. “When the top teams lose to those at the bottom, it must be questioned,” aniya.

Pagsasalin ito sa sulat ni Redzi Arya Pratama ng ONE Esports ID.

BASAHIN: 3 rason kung bakit mahihirapang bumalik si Ferxiic sa MPL ID S10 dahil kay EVOS Sutsujin