Hindi maintatanggi na ang mage heroes na Vexana at Faramis ang dalawa sa pinaka-malimit na gamitin na heroes sa ranked games man o sa competitive na eksena sa Mobile Legends: Bang Bang.

Kaya naman ng inanunsyo ng Moonton ang balitang magkakaroon ng Vexana at Faramis revamp ngayong 2022, ganoon na lamang ang pagkasabik ng maraming fans lalo na ang mains ng mga mages na ito. 


Desisyon ng Moonton na pagulungin ang Vexana at Faramis revamp at mga pagbabago sa Mobile Legends

Credit: Moonton

Ayon sa Moonton balance adjustment plan para sa taong ito na inilabas kamakailan sa Youtube, napagdesisyunan ng game developer na bigyan ng rework ang dalawang mage heroes na talaga namang matagal ng underpowered liban na lamang sa mga cheese strats ng mga koponan.

“Yes, we’ve heard your requests and we promise we won’t let you down,’ pangako ng Moonton sa naturang video.

Credit: Moonton

Nagpatikim din ang game developer ng mga artwork para sa kanilang future in-game models.

Magbabago ang anyo ng Vexana papunta sa kaniyang human form habang ang Faramis naman ay binigyan ng kaunting tweaks sa kaniyang armor at staff ngunit hindi malalayo sa kaniyang orihinal na hitsura.


Mga plano ng Moonton para sa iba pang Mobile Legends heroes

Credit: Moonton

Bukod sa Vexana at Faramis revamp, nagpahiwatig ang game developer na ang marksman na si Hanabi at isa pang classic tank hero sa Mobile Legends ay makakasama sa revamp list.

Base sa  silhouette teaser sa nasabing video, si Akai ang tank na tinutukoy nila na magkakaroon din ng rework ngayong taon.

Kasabay nito, bibigyan din ng improvements ang mga emblems tampok ang mas maraming pagpipilian na talents para bigyang daan ang mas marami pang playstyles.

Asahan na marami pang mga heroes ang magbabalik sa meta sa Land of Dawn ngayong 2022.

Bukod sa Vexana at Faramis revamp, sino pang mga heroes ang mabibigyan ng rework? Antabayanan ang pinakahuling balita tungkol sa Mobile Legends sa pamamagitan ng pagsunod sa ONE Esports Philippines sa Facebook!

BASAHIN: Maaring pa maging isang viable marksman si Lesley sa MLBB patch 1.6.42