Puno ng emosyon ang ipinadala ni Vior kay REKT karugtong ng pag-alis ng pro mula sa EVOS Legends roster. Sa isang video sa Instagram, pinukaw ng MLBB personality ang damdamin ng mga fans ng ilathala niya ang mga nakamit ng legendary player, katuwang ng pasasalamat sa lahat ng naimbag nito sa MLBB eksena sa Indonesia.
Mababalikan na inanunsyo ng koponan na na hindi na babandera para sa kanila ang tinaguriang ‘M1 Trio’ na binubuo nina REKT, Wann at Luminaire na nagdala sa kanila ng kampeonato ng inaugural M World Championships.
Hindi pa sigurado kung parte pa rin sila ng EVOS Esports o hindi ngunit ang nakumpirma ng ONE Esports ay tapos na ang kontrata ni REKT sa esports org.
Kaya naman, gayun na lamang ang lungkot na nadarama ng fans na pinabilib ni REKT sa kaniyang dekoradong karera bilang parte ng White Tigers.

Bukod-tangi si REKT bilang player na naglaro mula Season 1 hanggang Season 9, kung kaya’t marami ang apektado na hindi na nila makikita ang pro pagdako ng Season 10 ng liga.
Bilang isa sa mga taong pinakamalapit at masasabing numero unong fan ng pro, batid ng dating ONIC Esports player na si Vior ang nararamdaman ng REKT fans.
Lumambot ang puso ng EVOS fans sa mensaheng ito ni Vior para kay REKT

Sa 2-minute video, nagsalita si Vior bilang isang fan ni REKT. Sinabi niya ang gumulong na karera ng pro at ang reaksyon ng fans tungkol dito, partikular na sa mga panahong abot-kamay niya ang tagumpay, hanggang sa tuluyan niyang pagbaba mula sa entablado.
“You are a true legend, really,” ani ni Vior sa naturang video.
“As the only player to have played 9 consecutive seasons without a break, is an effort. No wonder if they idolize you.”
Taos-pusong nagpasalamat si Vior sa kaniyang “captain” at “bae” bilang panapos sa kaniyang message.
Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
BASAHIN: DeanKT inilahad ang pamantayan sa pagpili ng players na isasabak ng EVOS Legends sa MPL ID S10