Bagamat maingay na ang balita tungkol sa pagpasok ng ilang players sa lineup ng White Tigers, hindi pa rin opisyal ang EVOS Legends roster na sasabak sa gugulong na MPL Indonesia Season 10.
Kaya naman, marami ang naka-antabay sa nasabing roster reveal dahil ipinangako ng management at ng coaches ng team na marami ang pagbabago na magaganap dito.

Kamakailan ay inanunsyo ng VP ng EVOS Esports na si Aldean Tegar na ang management na ang mangunguna sa player selection process, taliwas sa proseso dati kung saan si Coach Bjorn “Zeys” Ong ang puno nito.
Pinakahuling update sa EVOS Legends roster para sa S10 ang anunsyo na hindi na sasabak sina Antimage at LJ sa gugulong na season, na epektibong gigiba sa “pundasyon” ng koponan.

Bukod dito, 11 na players na rin ang kumalas mula sa MLBB lineup ng M1 World Champions.
Sa labas ng organisasyon, marami na ang nagpapalagay na sina Cr1te, Clover, Ferxiic, Pendragon, at Tazz ang babandera sa S10. Ngunit ang pinaka-inaantabayanan ng mga miron ang kumpirmasyon tungkol sa pagsanib ng Pinoy superstar na Gerald “Dlar” Trinchera sa EVOS Legends lineup.
Ito raw ang kinakailangang katangian ng player para makapasok sa EVOS Legends roster sa S10

Nagsalita muli si DeanKT tungkol sa player selection process sa isang live stream niya kamakailan. Dito, ipinaliwanag niya na katuwang pa rin ng management ang coaches sa desisyon tungkol sa pagpili ng players.
Bukod dito, inilahad ng VP ng EVOS Esports ang pinakamahalagang katangian ng player para makasama sa listahan nila sa MPL ID S10.
Aniya, “I make sure that those who will play this season are players who have 1 million percent intention and focus. Because the top criteria for playing this season is the intention [to play] or not.”
Dagdag pa ni DeanKT, “The is only one question: Do you want to play next season or not? Do you intend to win, or not?”
Inaasahan na ilalabas na ang opisyal na EVOS Legends roster para sa MPL ID S10 sa mga susunod na araw.
Pagsasalin ito sa sulat ni Redzi Arya Pratama ng ONE Esports ID.