Inanunsyo ng MPL ID defending champion na ONIC Esports ang kanilang final roster para sa paparating na Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season 9 (MPL ID Season 9), at may isang pangalan na namumukod tangi sa listahan.

Maglalaro para sa team si Viorenita “Vior” Sutanto, ang tanging female pro player na maglalaro sa pinakamalaking Mobile Legends: Bang Bang tournament ng Indonesia para sa season na ito.

Ang inaabangang MPL ID Season 9 roster announcement ng ONIC

MLBB MPL ID S9 ONIC Esports
Credit: ONIC’s Instagram page

Unang pinost ng MPL ID defending champions ang kanilang roster announcement sa kanilang Instagram page, kung saan inihayag nila na tanging isang player lang mula sa nakaraang season, si Adrian Larsen “Drian” Wong, ang nawala sa kanilang roster.

Ang papalit sa kanyang pwesto ay si Vior, ang ikalawang female pro playerna maglalaro sa MPL ID, matapos maging bahagi ni Listy Chan ng EVOS Legends noong MPL ID Season 3.

MPL ID Season 9 full roster ng ONIC

PLAYERROLE
Muhammad Satrya “Butss” SanubariEXP lane
Calvin “CW” WinataGold lane
Moch “Sir Ft Lans” Yasier AGold lane
Viorenita “Vior” SutantoMidlane
Gilang “SANZ”Jungler
Nicky “Kiboy” FernandoRoamer

Sino nga ba ang bagong salta?

MLBB ONIC Esports Vior
Screenshot by Redzi Arya Pratama/ONE Esports

Sa kabila ng kawalan ng professional experience, ititnuturing si Sutanto na pinakamalakas na female player sa Indonesian MLBB scene.

Naging kilala sya nang ma-stream ang kanyang mga Mobile Legends: Bang Bang games sa Nimo TV, kung saan ipinakita ang kanyang signature Angela pick at iba pang midlane heroes tulad ng Eudora, Pharsa, at Cyclops.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.