Malaking move ang ginawa ng Bigetron Alpha sa MPL Indonesia offseason kasunod ng pagkuha nila sa serbisyo ng veteran roamer na si Calvin “Vyn”. Si Vyn, na bumandera para sa RRQ Hoshi simula Season 5, ay isa sa mga pinaka-eksperyensadong pros sa liga na nakilala sa kaniyang pambihirang shotcalling at game sense.

Malaking boost ang pagdating ng 23-anyos para sa hanay ng Red Robots na dismayado sa kanilang mga kampanya sa mga nakaraang seasons. Bagamat nakapasok sa top 6 noong Season 11, nanatiling bigo ang Bigetron Alpha na makakuha ng MPL title.

Credit: MSC

Inaasahan na dadalhin ni Vyn ang kaniyang malawak na karanasan at leadership para matulungan ang team papunta sa mas magandang posisyon pagpasok ng Season 12.


Vyn nagbabalik sa hanay ng Bigetron Alpha para sa MPL ID Season 12

Hindi na bago para kay Vyn ang Bigetron Alpha uniform. Maaalala na noong Season 3, tinulungan niya ang team na makaabot na playoffs.

Credit: ONE Esports

Ngayong muling isusuot ang pulang uniform ng BTR, pag-aamin ng beterano, “I’m really happy to be back with Bigetron,” Dagdag pa niya, “I’m looking forward to helping the team improve and win the MPL title.”

Kumpiyansa din ang head coach ng Bigetron Alpha na si Acil na malaki ang maiaambag ng pro sa kanilang pangkat. Kuwento ng dati ring coach ng RRQ Hoshi, “Vyn is a very experienced player. He’s a great leader and shotcaller, and he will be a great addition to our team.”

Malaking patunay ang pagkuha ng Bigetron sa bantog na roamer sa kanilang intensyon na makuha ang kanilang unang kampeoanto ngayong Season 12, at inaasahan nila na makakatulong ang kaniyang championship experience para mapalapit sa tahaking ito.

Sundan ang pinakahuli sa MPL sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa Facebook ng ONE Esports Philippines!

BASAHIN: Dahilan kung bakit kinuha ng Bigetron Alpha si Vyn