Matapos mabigong depensahan ang kanilang korona sa nakalipas na MPL ID Season 8, malaki ang tiyansa na susubukan muna ng isa sa mga EVOS Legends stars na maglaro para sa ibang liga.

Inaasahang babandera muna sa Mobile Legends: Bang Bang Development League Indonesia Season 5 (MDL Season 5) ang EVOS Legends star na si Muhammad “Wannn” Ridwan kung saan muli niyang papatunayan ang kaniyang husay sa harap ng mga up-and-coming talents.


Bakit maglalaro muna si Wannn sa MDL ID Season 5 at hindi sa MPL

Screenshot ni Jules Elona/ONE Esports

Mabilis na kumalat ang mga bali-balita noong nakaraang buwan na ang two-time MPL Champion ay sasanib mua sa EVOS Icon sa MDL Season 5, na hindi rin naman binigyan ng kumpirmasyon ng beterano.

“I will play in MDL? It seems like. I don’t want to take a break because I don’t want to disappoint the people who have supported me,” ani ng jungler sa isang stream.

Gayunpaman, tuluyan ng binigyang-linaw ni Wannn ang balita sa isang livestream kamakailan kung saan idinitalye niya ang rason kung bakit lumabas muna siya ng MPL at maglalaro muna sa EVOS Icon.

“I can’t keep up in MPL with my current skills. I’m afraid that I will become a burden,” paliwanag ni Wannn.


Lahat ng naabot ni Wannn kasama ang EVOS Legends

Credit: Moonton

Unang nagmarka sa Mobile Legends eksena ang pangalan ng pro noong tulungan niya ang EVOS Legends iselyo ang kanilang unang kampyonato noong MPL ID Season 4. Nagpatuloy ang kampanya ng koponan papunta sa M1 World Championship para koronahan bilang unang mga hari ng MLBB sa mundo.

Gayunpaman, mistulang lumamig ang makina ng White Tigers sa mga sumunod na season na minarkahan pa ng pagpapahinga ni Wannn noong MPL ID Season 7. Sa mismong season din na ito naibalik ng EVOS ang korona sa kanilang panig.

Sa pagbabalik ni Wannn sa Seeson 8, hindi naabot ng pro ang ekspektasyon ng mga miron kung saan nahulog sila sa third place finish.

Tutukan ang mga balita tungkol sa MLBB teams sa mundo sa pamamagitan ng pag-follow sa Facebook page ng ONE Esports Philippines!

BASAHIN: Wann at LJ maglalaro nga ba para sa EVOS sa MDL?