Ipinakita ni Salic “Hadji” Imam ang tunay na kamandag ng Xavier matapos puguin ng dalawang ulit ang Team Laos sa pagpapatuloy ng Group Stages ng 31st Southeast Asian Games MLBB.

Nagpabilib ang Xavier ni Imam sa dalawang magkasunod na games kung saan naglista siya ng combined KDA na 14/1/18 para tulungan ang SIBOL MLBB na panatilihin ang malinis nilang record.


Xavier ni Imam bumida kontra Laos

Credit: SEA Games

Hindi binigo ng Xavier ni Imam ang pagsalang muli sa entablado ng pamatay na Estes pick ng kaniyang katambal sa support position na si Johnmar “OhMyV33NUS” Villaluna sa game two ng nasabing serye.

Muli’t-muling pinadaanan ni Imam ng Dawning Light ultimate ang mga taga-Laos, kasama na ang krusyal na pokes sa damage dealers ng kalaban sa late game at mapagulong ang kanilang death push kasama ang Lord sa ika-15 minuto.

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports PH

Naglista ang Xavier ni Imam ng malinis na 11/0/8 KDA at 100% kill participation para hirangin bilang MVP ng nasabing laro.

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports PH

Gayundin ang isinalang ng tinaguriang “KDA Machine” sa parehong hero para buksan ang serye kontra Laos. Bagamat hindi kasing bagsik ang statline sa game two ay malaki ang inambag ng midlaner sa arangkada ng SIBOL MLBB sa unang mapa.

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports PH

Pumako ng 3 kills at 10 assists kontra 1 death ang Xavier ni Imam sa game one para hirangin bilang MVP.

Susubukang kumpletuhin ng SIBOL MLBB ang kanilang kampanya sa Group Stages ng walang talo sa kanilang huling match kontra Myanmar.

I-follow at i-like ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa pinakahuling balita tungkol sa Mobile Legends.

BASAHIN: Beatrix ni Gonzales nagpakitang-gilas kontra Malaysia sa 31st SEA Games MLBB