Nagkilos beterano ang baguhang si Lee Howard “Owl” Gonzales para maipanalo ng SIBOL Mobile Legends: Bang Bang team ang una nilang serye sa 31st Southeast Asian Games.

Bumida ang Beatrix ni Gonzales sa dikit na best-of-two series kontra Malaysia, na binubuo ng karamihan ng mga miyembro ng Todak, ang kampeon ng MLBB Professional League Malaysia Season 9.

Beatrix ni Gonzales, back-to-back MVP sa unang serye ng 31st SEA Games MLBB

Kahit matuturing ang naturang serye bilang debut ng Pinoy gold laner, walang nakitang bakas ng kaba sa galawan nito kahit pa pukpukan ang parehong mapa ng serye.

Sa game one, maagang nilamangan ng Malaysia ang Pilipinas sa kills sa tulong ng Karrie ni Idreen “Momo” Bin Abdul Jamalis. Tanging ang Beatrix ni Gonzales lang ang nakakaguhit sa buhay ng kanilang mga kalaban, dahilan para maka-alagwa ang SIBOL sa late game.

Nagtala ng game-high 11 kills at anim na assists kontra tatlong deaths si Gonzales matapos ang 22 minuto ng bakbakan.

Beatrix ni Gonzales nagpakitang-gilas kontra Malaysia sa 31st SEA Games MLBB
Screenshot ni Maouie Reyes/ONE Esports

Mas matagal ang inabot ng ikalawang mapa ng serye, bagamat ang SIBOL naman ang nagtala ng kalamangan sa early game. Ilang beses nadepensahan ng Malaysia ang kanilang high ground sa tulong ng mga Iron Hooks ni Mohammad Zul “Xorn” Hisham at lakas mag-wave clear ng Xavier ni Zikry “Moon” Bin Shamsuddin.

Sa huling bakbakan na nagdikta sa resulta ng laban, bumida ang dalawang rookie ng SIBOL. Pinatumba ng Esmeralda ni Soto ang makating Karrie ni Momo, habang naka-Double Kill naman ang Beatrix ni Gonzales sa Franco ni Xorn at Dyrroth ni Wan “4Meyz” Wsman para makumpleto ang Wipe Out at maselyo ang kanilang panalo.

Beatrix ni Gonzales nagpakitang-gilas kontra Malaysia sa 31st SEA Games MLBB
Screenshot ni Maouie Reyes/ONE Esports

Tatlong puntos ang nakuha ng SIBOL sa serye dahil nawalis nila ang Malaysia. Susunod nilang kakalabanin ang Laos, pagkatapos ng laban nito kontra Myanmar.

Mapapanood ang mga bakbakan sa mga opisyal na channel na matatagpuan dito.


Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa MLBB, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Esports medal standings sa 2021 SEA Games