Dadalhin ng isa sa pinakamalakas na roamers sa Pilipinas ang kaniyang talento sa Indonesia sa darating na MPL Indonesia Season 13.

Babandera na para sa Aura Fire ang dating ECHO superstar at captain na si Tristan “Yawi” Cabrera, kasunod ng anunsyo ng organisasyon sa kanilang YouTube page kamakailan.

Paano ang build ng tank Chou ni Yawi?

Susundan ng batikang roamer ang yapak ng ilang tanyag na Pinoy imports tulad nina Kairi “Kairi” Rayosdelsol ng ONIC Esports at Allen “Baloyskie” Baloy ng Geek Fam na nauna nang ipinakita ang lakas ng Pinas sa MPL ID.

Gayunpaman, siya ang ang unang Filipino player na magsusuot ng uniporme ng Aura sa liga.

Yawi palalakasasin ang roster ng Aura Fire sa MPL ID Season 13

Yawi at Sanford ng ECHO sa M4 World Championship
Credit: ECHO

Kargado ang 22-anyos na pro ng malawak na karanasan para patikasin ang tindig ang Aura Fire sa darating na MPL ID season.

Noong MPL PH Season 10, malaki ang ginampanan ng roamer para maselyo ng ECHO ang slot papunta sa M4 World Championship.

ECHO nilutas ang Blacklist, kampeon ng M4 World Championship

Kasunod nito, pinangunahan niya ang Orcas para makalawit ng pangkat ang una nilang kampeonato kontra sa dekoradong Blacklist International na winalis nila sa grand finals, 4-0.

Ipinagpatuloy ng ECHO ang kanilang pambihirang kampanya sa MPL PH Season 11 matapos muling patumbahin ang Blacklist sa isa nanamang sweep.

ECHO hinirang na kampeon ng M4
Credit: ONE Esports


Gayunpaman, nagbago ang ihip ng hangin ng mabigo ang hanay na makalahok sa MSC 2023. Prumeno si Yaw isa Season 12 nang mapalitan siya sa starting lineup ng beteranong si Jaypee “Jaypee” Cruz.

Papalakasin ng superstar roamer ang lineup Aura Fire na pinangungunahan ng mga beteranong sina Jehuda Jordan “High” Sumual at Leonardo Prasetyo “Kabuki” Agung.

Full roster ng Aura Fire sa MPL ID Season 13

PLAYERROLE
Aldhia Fahmi “Aran” ArandiaEXP lane
Gugun “Gugun” Surya PratamaJungle
Yehezkiel “Yehezkiel” WisemanMidlane
Leonardo Prasetyo “Kabuki” AgungGold lane
Tristan “Yawi” CabreraRoam
Jehuda Jordan “H i g h” SumualJungle

Magsisimula ang MPL ID Season 13 sa March 8.

Para sa mas marami pang MLBB guides tulad nito, pwede niyong i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Piliin ang 3 best heroes pangontra kay Cici sa Mobile Legends