Kung may skin na nagpapakita ng husay ng mga game designers sa Mobile Legends: Bang Bang, ang Empyrean Paladin Zilong ang isa sa mga testamento nila.
Swabe ang Zilong collector skin na bubuksan ang “Heavenly Artifacts” lineup ng Moonton. Nanghiram ang mga designers ng mga elemento mula sa ancient Chinese dynasties of lore para ilabas ang ika-siyam na skin ng isa sa mga OG heroes ng laro.
Hitsura ng Empyrean Paladin Zilong collector skin

Tampok sa bagong Zilong collector skin ang swabe niyang misty aquamarine armor na pinalitan ang tipikal niyang teal base armor.
Pinarisan ito ng tradisyunal na putting hanfu na mas pinalutang ng pastel green, blue at purple tones at pinagsama-sama ng itim na belt na may gold trimmings at bughaw at lila na ribbons.
Ngunit ang pinakatampok sa lahat ng features ng bagong Zilong collector skin ay ang kumukutitap niyang golden spear. Kung iisipin nga naman, hindi magiging kumpleto ang pagkakakilanlan sa MLBB fighter kung wala ang kaniyang paboritong sandata na ngayon ay nangingibabaw kasama ng bago niyang hitsura.
Skill effects ng Empyeran Paladin Zilong

Kasama ng collector skin ng Spear of the Dragon ang bagong skill effects, particles at animations na kawangis ng color palette ng kaniyang outfit.
Kapag ginamit ni Zilong ang kaniyang ultimate skill na Supreme Warrior, may malaking oriental serpentine dragon na lumalabas sa kaniyang pagkatao na wari ay binabalaan ang sinumang balak humarap sa kaniya.
Mabangis din ang idle animation na bagay sa kaniyang eleganteng hitsura kung saan mapapansin na nakaupo si Zilong habang nag-memeditate midair.

Bukod sa lahat ng mga ito, kasama din sa Empyrean Paladin Zilong collector skin ang special random animations na maaaring ma-trigger sa display screen o sa battlefield.
Available na ngayon ang collector skin in-game draw event.
Panoorin ang full skin trailer dito:
Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
BASAHIN: Isang anime masterpiece ang The Aspirants ‘We Believe’ cinematic ng Moonton